Fifty-Eight

116 5 0
                                    

BRENDA MATULIN

"Buenaventura Company's CEO breaks his silence after alleged reports of bankruptcy."

Hindi pa rin ba namamatay ang issueng 'yan? Ilang taon na ba ang lumipas simula no'ng pumutok ang chismis na kesyo palugi na raw ang kompanya ng mga Buenaventura.

Tumingin ako sa lalaking naglalakad kasama ko ngayon, "Isa lang ang masasabi ko, ang plastic mo. Ano 'tong sinasabi mong okay lang ang kompanya? Eh natatandaan ko pa no'ng isang araw kung paano pumutok 'yang buchi mo dahil wala kang makitang potential investors para sa project niyo."

Inirapan niya ako sabay inayos ang kanyang necktie, "Ganyan mo ba ako i-welcome?"

Hinampas ko sa ulo niya ang diyaryo, "Gago ka, parang kung saan ka nanggaling."

Marahas niyang hinablot mula sa 'kin ang diyaryo, "Stop hitting me! I'm still the company's heir you know."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong pakealam ko. Excuse me, kapag kasama kita hindi ko iniisip na nagpapatakbo ka ng kompanya kaya huwag mo akong artehan ng ganyan."

He narrowed his eyes, "Where did you get this newspaper anyway?"

"Sa tindahan," Sagot ko in a serious way, "Binili ko on the way dito."

"Wow umeenglish ka na ha? Anong nakain mo?"

Siniko ko siya, "Siyempre, anong akala mo ikaw lang 'tong naglevel-up? Excuse me, for your information, professional na rin ako."

"Professional chismosa." He said defiantly like he is sure about it.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Tumahimik ka kung ayaw mong ipakain ko sa 'yo 'yang diyaryo!"

Limang taon na ang lumipas. Marami ang nagbago. Marami ang nawala at dumating. Bawat isa may mga bagong buhay na inaatupag. Naging tahimik ang lahat at, inaamin ko, naging mapayapa ang mga buhay namin.

Sa akin lang, nakapagtapos na ako ng pag-aaral kagaya ng biniling ni Pm. Nagsikap ako hanggang sa naging professional accountant ako sa isang local firm dito sa Alinam. It's all thanks to her na naging maginhawa ang buhay ko; napapakain ko na ng maayos ang pamilya ko sa probinsiya, nakapagpatayo ako ng desenteng bahay, at nakakakain ako ng maayos araw-araw. Ibang-iba sa buhay ko noon, walang patutunguhan at walang kasiguraduhan.

Ilang libong beses akong nagpasalamat kay Pm. Pero ni minsan hindi siya sumagot sa mga sulat, chat, o text ko. Although sinabi sa 'kin ni Toni na may inaatupag g silang malaking deal sa labas ng Amerika, wala na akong ibang balita tungkol sa kanila. And that was four years ago.

"Logan ano sa tingin mo ang ginagawa ni Pm ngayon?" I said in a wondrous tone, "Sa tingin mo babalik pa siya?"

Natahimik siya saglit saka bumuntong-hininga, "I wish she would. He needs her right now."

Ako naman itong natahimik. Iniisip ko pa lang na magkikita sila hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari. Mapapatawad pa ba kaya siya ni Pm? Mapapatawad ba ni Pm ang mga Buenaventura? No, the right question should be, kaya niya pa bang magpatawad?

I smiled and shrugged the thought away. Hindi 'yan mangyayari. Hindi naman siguro magiging ganyan si Pm, considering na kasama niya naman ngayon ang pamilya niya para gabayan siya.

Bumaling ako sa kanya, "Siya nga pala, anong bulaklak ang binigay mo sa kanya ngayon?"

"Sunflowers," Ngumisi siya, "Her favorite."

Tumango ako, "Last month you brought her tulips right?"

"Yeah, they're her second favorite."

"Hindi halatang mahilig siya sa bulaklak no?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon