Thirty- Two

215 4 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

“Miss Pm, sabi ni Sir kakain na raw po.” Sabi ni Kathie habang kumakatok sa pintuan.

Nagtalukbong ako ng kumot

“Miss Pm?” Kumatok siya ulit. “Gising na po. Naghihintay po sa inyo si Sir sa baba.”

Kahit ilan libong taon pa siyang maghintay sa baba, hinding-hindi ako kakain ng almusal kasama siya. Ayoko.

Kasalanan niya ito, eh. Kasalanan niya lahat ng ito! Dahil sa kanya buong gabi akong hindi makatulog, dahil sa kanya buong gabi akong ginapang ng hiya at pagsisisi, at dahil sa kanya halos hindi na ako makahinga kagabi!

Aminin mo na Pm, kasalanan mo. Hindi ka mabubwisit ng ganito kung hindi mo lang binitawan ang mga salitang ‘yon.

Pucha Pie!

Hindi ko naman alam na gising pala siya nung sinabi ko ‘yon, eh. At saka wala ako sa huwisyo dahil inaantok na ako! Bwisit naman o!

*Flashback*

“Thank you.” Bulong niya pagkatapos ay bigla siyang dumilat at ngumiti ng nakakaloko

Plano ko talagang tadyakan siya at ihulog sa kama pero dalang-dala ako ng gulat at hiya dahilan para mabato ako. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sitwasyon. Kung ilalaglag ko ba ang panga ko o pandidilatan siya.

Pero, tangina, hiyang-hiya ako sa sarili!

“You know, I know I’m not the one to say this but I think you also have Dissociative Identity Disorder.” Mapupungay ang mga mata niya. Shit, huwag ang mata! Huwag po Lord! Ayoko sa mga mata niya!

Hindi ako nakasagot. Alam kong pulang-pula na ang magkabilang pisngi ko pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako umaalma.

“There are times you act like you don’t care at all and there are these times, how should I put this, that I might need a recording device to record those moments.” Sabi niya, “You know because it’s rare to hear you saying I’m handsome.”

Blag!

“Ow!” Sigaw niya. “What the hell Patring!?”

Matalim ko siyang tinitigan, “Hindi ka gwapo!”

At humiga ako ulit at tinalikuran siya. Putangina. Putangina. Putangina talaga!

Naramdaman ko siyang tumayo, “Well, I guess it’s enough for tonight.”

*Kiss*

Namulat ako sa sensasyong naramdaman ko sa aking noo. Mabilis ko itong hinawakan at napatingin sa kanya.

Ngumiti siya, “Goodnight, Patring myLoves.”

*End of flashback*

--

Iyon ang dahilan kung bakit buong gabi akong gising. Hindi na ako binalikan ng antok kaya hindi ko maiwasang isipin ang kababalaghang nangyari.

“Miss Pm, lalamig ang pagkain. Ano bang meron kung nasabi mong gwapo si Sir kagabi?” Sabi niya, “It’s no big deal. Ang arte niyo po talaga”

Napabalikwas ako ng bangon. Hindi umabot ng isang segundo at nakabukas na ang pinto. Pinandilatan ko si Kathie.

“Sinasabi ko na nga ba, eh. Si Sir Ej lang talaga ang makapagpapagising sa diwa niyo” Umiling-iling siya sabay tawa.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon