[A/N: This is a side story, kwento po kung anong nangyari bago pa man ipinanganak si Ej at Pm. It will last a few chapters po because of reasons. Mehehe. Okay, so para malaman niyo kung ano ang reason ng lahat-lahat.] –Inkless.
THIRTY YEARS AGO.
*
Olivia Solon’s (Nanay)
“Ano, hindi ka na mag-aaral?” Inalog-alog ni Bee ang balikat ko, “Paano na lang ang balak nating makatapos together? Yung planong ipapakasal natin ang mga magiging anak natin sa isa’t-isa? Mapapako na lang ba ‘yon?”
Kinamot ko ang ulo bago ngumisi, “Pasensya na… hindi na talaga kaya, eh. May sakit si Tatay kaya kailangan ko muna siyang alagaan. At saka hindi na namin kaya ang bayarin sa University, eh. At Bee, huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang magka-boyfriend o girlfriend ang anak ko hangga’t hindi niya nakikilala ang anak mo.”
Pinasadahan niya ng kamay ang buhok, “Tutulungan kita. About sa gastusin ako na ang bahala…” Hinawakan niya ang kamay ko at pinsil ito ng mariin, “I’ll pay the miscellaneous fees for you… or kung gusto mo pati tuition mo ako na ang magbabayad!”
Tumawa ako at pabirong hinampas ang balikat ng kaibigan, “Huwag na, salamat. Ang dami mo nang naitulong sa ‘kin at sa pamilya ko… kaso Bee, hindi na talaga pwede, eh. Di bale, susulat naman ako sa ‘yo buwan-buwan. At isa pa, may isang sem pa naman tayong magkasama, eh. Huwag mo na munang isipin ‘yan. Hindi naman ako mawawala habang-buhay, eh.”
Bumuntong-hininga si Bernadette, “Viang, iiwan mo talaga ako sa ere. Hindi ako sanay na mag-isa. Nasanay akong kasa-kasama ka simula no’ng tumapak ako sa University tapos bigla-bigla ka na lang mawawala. Akala ko ba sabay tayong ga-graduate?”
“Kung ako lang, tutuparin ko talaga ang pangako ko kaso itong buhay kasi, eh, mapaglaro. Hindi ako mapalad katulad mo pagdating sa yaman at pera. Kailangan ko pang kumayod para makakain at makapag-aral. Maswerte na nga ako’t naging kaibigan pa kita. Kayo nina Eden, dahil kung wala kayo… hindi ko makikilala si Eduard.” Hinilig ko ang ulo at isinandal ito sa kanyang balikat, “Huwag kang mag-alala, nariyan naman si Eden eh.” Sumilay ang nakaklokong ngiti sa labi ni Olivia, “Kahit wala naman ako may tutulong naman sa ‘yo, siyempre boyfriend mo ‘yon.”
Nagbago kaagad ang reaksyon ni Bernadette, “Iyan na nga ang pinoproblema ko, eh. I think he’s distancing himself from me. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa ‘kin. Hindi man lang siya nag-abalang magpakita sa ‘kin tuwing break niya.”
Kumunot ang aking noo. “Ha? Eh ‘di ba okay naman kayo no’ng isang linggo? Magkasama pa nga kayong kumain sa labas ‘di ba?”
“Oo, magkasama nga kami no’ng isang linggo at hindi naman kami nag-away, at saka okay naman kami no’ng Lunes. Then when Tuesday came, hindi na siya nagpakita sa ‘kin. Ni hindi siya dumadaan sa classroom para kamustahin ako. Hindi ko talaga siya maintindihan Viang. Minsan natatanong ko na lang ang sarili kung okay pa ba kami o hindi na.”
“Tsk, huwag ka ngang magsalita ng ganyan,” Tinapik ko ang kanyang likod, “Baka may problema lang sa kompanya nila kaya gano’n. Alam mo namang silang dalawa lang ng Daddy niya ang nagpapaikot no’n ‘di ba? Intindihin mo na lang muna… saka mo na lang kausapin kapag na-check mo na ang ulo niya. Haha! Saka, dalhin mo na rin ‘yon sa doktor at ipa-check ang kanyang utak… no offense ha, hindi ko kasi siya maintindihan minsan. Paiba-iba ng ugali.”
Ngumiti siya ng matamlay at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Tumingin siya sa malayo saka nagsalita ng, “Sana nga ‘yan lang ang dahilan at sana nga kaya ng simpleng check-up lang para maintindihan natin ang iniisip ni Eden.”
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansaDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)