Patricia Marie Solon's POV:
Umuwi si Kuya Butch pagpatak ng alas dose ng hating gabi. Sumabay na sa kanya si Brenda pauwi at ang dalawa kong kapatid. Hindi ako pumayag na magpaiwan ang isa sa kanila dahil alam ko namang may kanya-kanya pa silang gagawin.
Sa ngayon ay hinihintay ko ang tawag ni Madame. Pag-uusapan naming ang tungkol sa trabaho at patungkol sa pipirmahan kong kontrata. Nagulat pa nga ako na may kontrata pa. Pormal na trabaho na pala ngayon ang pagiging fiancée?
Nagising si Nanay saglit pero hindi rin katagalan. Masyado kasing matapang ang mga gamot niya na lagi siyang nahihilo at nanghihina. Tanong ng tanong siya sa 'kin kung bakit nasa ospital siya at kung may pera ba kaming ibabayad sa gastusin dito.
Nang makatulog ulit siya'y dumating bigla ang mga nurse. Sa pag-aakalang iche-check nila ang lagay ni Nanay, nagulat na lang ako nang mapag-alamang inililipat nila sa isang stretcher si Nay.
"Teka, nurse, anong ginagawa niyo?" Hinawakan ko si Nanay. "Bayad pa kami dito. Ba't niyo siya inililipat?"
"Ililipat po siya ng ospital." Sagot ng nurse. "Nabayaran na po lahat ng bills niyo rito at may orders po kami na ililipat ang Nanay niyo sa St. Lukas as soon as possible."
Kumunot ang noo ko. "St. Lukas? Teka—'di ba first class na ospital 'yan? Sinong nag-utos sa inyo?"
Naguguluhang tumingin sa aking ang nurse. Tila nagtatanong kung bakit hindi ko alam. "Galing po kay Mrs. Buenaventura... ang mother-in-law niyo?"
Nahinto ako. Hindi ako makapaniwala. Mrs. Buenaventura? Mother-in-law?
AGAD-AGAD!?
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng hallway habang nakatitig sa papalayong stretcher ni Nanay. Maraming nurse ang uma-assist sa kanya na kahit ako'y hindi na makalapit.
Ito ba?
Ganito ba ang pakiramdam ng mga taong mapera?
Lahat instant. Napaka-bilis ng mga pangyayari.
"Wow~" Iyan lamang ang nasabi ko.
"Good morning, Miss."
"Ay kabayo!" Biglang may lalaking sumipot sa aking likuran. Naka-uniporme siya at mukhang napaka-seryoso. Brusko siya pero walang buhok, naka-itim na shades, at may parang high tech na headset sa kanyang tainga na nakakonekta sa kung ano mang bagay na nakakabit sa kanyang likod.
May inabot siyang cellphone. Isang touchscreen na umilaw na lang bigla nang matapat sa aking mukha. May tumatawag. Si Madame.
"Hello?"
"PM, hello~ I'm sorry I was not able to come while your Mom is being transferred. Marami kasi akong inaasikaso rito." Iyan ang paunang bati niya sa 'kin.
"A—ano pong ibig sabihin nito? Ba't hindi ko po alam na ililipat po pala si Nanay sa St. Lukas?"
"Well, last night, when you said yes. I immediately contacted the hospital and asked for the doctor assigned to your Mom. Pinaalam niya sa 'kin ang lagay ng Nanay mo so I talked to my doctor and arranged to transfer your Mom immediately. I'm sorry I did not inform you ahead, I had been busy."
"Pero hindi ko pa po pinipirmahan ang kontrata, 'di ba?"
"The more reason you need to sign it." Saad niya. "Magdududa ka pa ba talaga sa puntong ito PM? Your Mom is in a critical state."
"Hindi naman po sa ganun. Nagulat lang po ako. Akala ko po kasi ilalagay na naman po kami sa hallway kagaya ng dati."
"No, that will never happen again. Not under my watch."
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)