“… Gusto kita Pm.”
Nanigas ako sa kinatatayuan sa oras na hinapit ako ni Kuya upang yakapin. Ayaw magsink-in sa utak ko na itong lalaking ito, ang lalaking itinuring kong kapatid at best friend sa loob ng ilang taon ay may itinatagong feelings para sa ‘kin. Mahal niya ako hindi bilang kapatid o kaibigan kundi higit pa roon.
Pero hndi ko talaga kayang paniwalaan eh. Siya mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ako gusto at kapatid lang ang tingin niya sa akin.
“Ba—bakit mo ako gusto?” Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero iyon ang unang lumabas ng aking bibig, “Sinabi mo sa ‘kin noon na kapatid lang ang tingin mo sa ‘kin. Ba—bakit?”
“Natakot ako. Takot na takot ako na baka masira ko ang mayroon tayo.” Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa ‘kin, “Akala ko kaya kong pigilan eh. Akala ko talaga mawawala lang ito pero lintik Pm, eh. Hindi ko pala kaya.”
Hindi ako nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko. Hindi ko ito magawang igalaw ni hindi ako makapag-isip ng tama.
“Pasensya na kung nagsinungaling ako. Mahalaga ka para sa ‘kin at ayokong mawala ka pero hindi ko talaga kayang makita kang hawak ng iba eh. Lalong-lalo na ng Ej na ‘yon.”
Sa isang iglap itinulak ko siya dahilan para bahagya siyang napaatras. Gulat siyang tumingin sa ‘kin.
Oo inaamin kong dumating sa puntong muntikan ko na siyang magustuhan at alam ng Diyos kung paano ko pinigilan ang sarili ko noon. At ngayon, heto, nasadlak ako sa isang sitwasyon na kung pagbabasehan noon ikasasaya ko siguro… pero iba na ngayon eh. Iba na ang sitwasyon at iba na ang gusto ko.
Umiling ako habang titig na titig sa kanya. Nakapaskil pa rin sa mukha ko ang matinding pagkagulat.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko, “Sinabi mo sa ‘kin noon na gusto mo ‘ko. Pm, sabihin mo ulit ‘yon. Gusto kong marinig, gustong-gusto kong marinig.”
Napatingin ako sa kamay niya tapos sa kanya. Yumuko ako at dahan-dahang umiling, “Hindi ‘to pwede Kuya, may trabaho ako baka makita tayo dito’t magka-issue pa.”
Akmang hahawiin ko ang kanyang kamay pero hinigpitan niya ito.
“Pm saguting mo ako,” Sabi niya.
Hindi ako nakasagot bagkus ay patuloy lang akong umiling. Tila nawala ako sa sarili. Hindi ko na maintidihan ang sarili ko. Si Kuya itong kaharap ko pero ang naiisip ko ay si Ej: Kung paano siya umamin sa nararamdaman niya at kung paano siya nasaktan sa ginawa kong pagbasted sa kanya.
“Huli na ba ako? Wala na ba?” Tanong niya.
Dahan-dahang kong hinawi ang kamay niya hanggal sa tuluyan na itong natanggal. Iniwas ko ang tingin at hinawakan ang dibdib ko upang maibsan ang lakas ng tibok ng dibdib ko.
“Hindi pwede, ma—may trabaho ako.” Maikling sagot ko.
Tumuwid siya at taimtim akong tiningnan, “Gusto mo na ba siya?”
Natigilan ako pero mabilis kong iniwasan ang tingin niya, tumalikod ako. “Hindi pwede Kuya.”
Iniwan ko siyang nakatayo doon sa parke. Mag-isa akong naglakad pabalik ng venue. Mabilis ang mga naging hakbang ko at nakarating agad sa loob ng hotel, pinapasok ako ng guard no’ng hinawi ko ang cap sa ulo. Mabilis akong tumakbo pabalik ng dressing room pero bigla akong natapilok at natumba sa gitna ng hallway.
Habol ang hininga akong napaupo at hinimas ang aking paa. Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?
“Okay lang po kayo Miss Pm?” Lumapit sa ‘kin ang isang babae, staff yata ‘to ng show.
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)