***
Patricia Marie Longworth's
"Sasama ka ba talaga sa kanya?" Tanong sa 'kin ni Nanay.
Tumango ako, "Kailangan Nay eh. Kailangan kong makita ang Kahisan. Kailangan kong bisitahin si Lolo Guado. Don't worry isang linggo lang naman kami doon."
She paused for a bit then decided to put down her fork. She exhaled and looked at me with genuine concern. "Nag-aalala lang ako para sa 'yo. Baka kung ano na naman ang mangyari sa 'yo kasama ang lalaking 'yon."
"Don't worry," Inabot ni Tatay ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit, "Susunod tayo right after closing the deal for the house in LA."
Nanay gave him a faint smile and then glanced at me, "Sigurado ka bang okay lang sa 'yo?"
Tumango ako at ngumiti. "Opo at kaya ko naman po ang sarili ko. May kasama naman po kaming mga engineers doon at mukhang mabi-busy kami."
Nanay nodded in defeat. Naiintindihan ko kung bakit ganyan na lang ka-concern si Nanay sa 'kin, sinisisi niya kasi ang sarili sa mga nangyari noon. Sabi niya kung hindi lang siya nagkasakit hindi ko tatanggapin ang alok ni Madame na magpanggap na asawa ni EJ. I convinced her not to think about it anymore but I know deep inside she didn't stop blaming herself.
A little while later I saw Toni walking down the stairs. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa naupo siya sa aking tabi, my eyes wide. May pasa siya sa gilid ng kanyang labi. He took a piece of bread and started munching it pero manaka-naka siyang napapangiwi. Maya-maya pa napansin niyang nakatitig ako kaya binaling niya ang atensyon sa 'kin habang hinihimas ang kanyang labi. "Bakit ate?"
"Anong nangyari sa 'yo?" Pabulong kong tanong sa kanya while making sure na nakatuon ang atensyon ni Nay at Tay sa ibang bagay.
"Nakipag-away 'yan kagabi." Sabi ni Nanay, hindi winawaglit ang paningin sa binabasa.
Toni sighed and drank his juice.
"Napaaway ka?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Naging puti na ba ang uwak Toni?"
"May puting uwak na ate." He said a-matter-of-factly. "It's no big deal. Everything's okay, really."
"Everything's not okay." Sabat na naman ni Nanay without looking at us.
Nilapag ni Toni ang tinapay at pinasadahan ang kanyang buhok. He's acting weird. Hindi niya napansing may tinapay na ang kanyang buhok. Toni isn't like that, which is really weird, because he's the type of guy na self-conscious—like ayaw niyang narurumihan siya. Something is definitely wrong here. Lumapit ako't bumulong, "Nagsisinungaling ka. Anong nangyari?"
Napansin kong nag-iba ang reaksyon niya pero agad din namang nakabawi. "walang nangyari." He whispered back. "Thanks for the food." He said as he stood up and went out of the dining room.
Napatingin ako kay Nay at Tay, mukhang hindi nila napansin ang nangyari kaya nagpaalam na rin ako, "Busog na po ako. Salamat sa pagkain." Sinundan ko si Toni hanggang sa may pool. "Toni!"
Huminto siya, bumuntong-hininga, at lumingon sa 'kin. "Bakit 'te?"
"Ano bang nangyari? Sabihin mo sa 'kin ang totoo." Hindi siya nakasagot. Iniwasan niya ang tingin ko at namulsa. His face says it all. Mukha siyang nagdadalawang-isip. "Tungkol na naman ba 'to kay Kathie?" Tanong ko. Pansin kong medyo nagulat siya sa tanong kaya lumapit na ako't namaewang sa harap niya, "Toni alam mong mahal niya si Jopet." I calmly said, careful not to step on his pride.
"Alam ko," He said glumly, "Kaso hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko eh."
That raised my interest even more. "Anong ibig mong sabihin?" My forehead creased, "Hindi ko maintindihan. May nangyari ba?"
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)