***
Catherine Domingo’s:
Naglilinis ako ng pool nang tumunog ang doorbell.
Naguguluhan akong tumingin sa gate. “Sino na naman ba ‘to?” Nagtungo ako sa harap ng pabulosong gate ng bahay ni Sir Ej. Baka isa na naman ito sa mga paparazzi na sumasadya sa bahay para makausap ang magkasintahan. Nako, sabi pa naman ni Sir na hindi sila puwedeng makausap dahil depressed ngayon si Ms. Pm. Ewan ko ba kung bakit, basta nakita ko na lang sila kaninang magkasamang nagtungo sa kwarto, namumugto pa nga ang mga mata ni Miss.
Siyempre gulat na gulat ako. Malimit lang umiyak si Miss, napakamaldita kaya nun, mas inaasahan ko pa ngang unang maiiyak ang demonyo kaesa sa kanya, eh.
Binuksan ko ang gate at tiningnan ang mukha ng lalaking bumungad sa ‘kin.
“Ikaw?” Tinaasan ko siya ng kilay, “Anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo rito?”
Ilang saglit pa bago nagsimulang magsalita ang kumag, “Nasaan si Miss Patricia?”
Wow, Miss Patricia? Bakit ngayon ko lang narinig na nirespeto ng barubal na ‘to si Miss? At saka bakit pormal na pormal siya ngayon, mag-aakala kang isa siyang VIP escort.
“Hindi siya puwedeng makausap ngayon,” Pabagsak na sabi ko sabay isasara ang gate.
Hinarang niya naman ang kamay at itinulak ito pabukas, “Pakisabi na may gustong kumausap sa kanya.”
Umirap ako sabay halukipkip, “Puwede ba Alfred, hindi nga siya puwedeng makausap ngayon dahil depressed siya. Kung magtatanong ka naman kung bakit, eh, sorry hindi ko alam. Hindi sinabi sa ‘kin ni Sir Ej.”
“Pakisabi sa kanyang importante—“
Nagulat ako nang may isang lalaking nakasuit and tie ang humawak sa kanyang balikat. Kunot-noo ko siyang tinitigan, bakit parang pamilyar siya sa ‘kin. Parang nakita ko na siya noon.
“It’s alright Alfred, I’ll take it from here.” Sabi niya bago tumingin sa ‘kin. Shems! Nakakatakot siyang tumingin, in fairness. Parang isang titig niya lang mahihimatay ka na! Exaggerated, oo, pero totoong nakakatakot siya.
“Is Patricia Marie, all right?” Bakas na ngayon sa kanyang mata ang pag-aalala.
Napanganga ako, bakit parang kilala ko talaga siya. Para kasing nakita ko na siya noon. Hindi ko lang talaga marecall, eh. Puchang, brain cells naman ‘to oh!
Napakamot ako sa ulo’t naiilang na ngumiti, “Ah, sa totoo lang hindi ko rin po alam eh. Ilang oras nang nagkukulong ang mag-asawa sa kwarto nila.”
Natahimik siya’t napatingin kay Alfred.
Napansin ko naman ang pagyuko ng balahura na para bang natatakot siya.
Kaya dahil curious na curious na ako’y kinapalan ko na lang ang aking mukha, “Ah, mawalang-galang na po ha, pero, gusto ko lang sanang itanong ito sa inyo kung hindi niyo naman po mamasamain. Uhm… sino nga po ba kayo?”
“Kathie!” Nanlaki ang mga mata ni Alfred. Bakit ba? Eh, sa nagtatanong lang naman ako, eh!
Binalik ko ang tingin sa lalaking kaharap ko. Kahit na nasa edad kuwarenta pataas na ang edad niya’y halata pa rin na ang gwapo-gwapo niya. In fairness naman kasi sa suit and tie niya, eh. Ang lakas maka CEO-of-the-company aura!
“Pasensya na po ha?” Ngumiti ako “Pamilyar po kasi ang mukha niyo sa ‘kin. Parang nakita ko na kayo no’n kaso hindi ko lang matandaan. Hindi naman po sa dina-down ko kayo… pero nakalimutan ko kasi, eh.”
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomantizmDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)