Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagkuha ng picture sakin. Hindi naman ako magkamayaw sa kung ano ang gagawin ko. Ang daming tao… ang daming mga mata ang nakatingin sakin.
Nahagip ng mata ko si Bullet na nakaupo sa isa sa mga tables sa harap. Sumenyas siya sakin na ngumiti at maglakad na pababa.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang ngumiti sa mga tao.
Ito na ‘to PM. Gawin mo ang lahat ng kaya mo.
Dahan-dahan ay pumanaog ako sa hagdanan. Ang hirap… sumasayad sa tinatapakan ko ang gown. Paano ba ‘to? Paano kung matisod ako? Diyos ko, mahaba-habang hakbang pa bago ako makaabot sa baba. Teka, aabot pa kaya ako ng buhay o baka naman gumulong na ako pababa?
Tae, ano ba ‘tong pinag-iisip ko?
Ngiti-ngiti pa rin ako sa mga tao. May pumapalakpak habang sinusundan nila ako ng tingin; may iba na panay ang bulong sa katabi nila, at may panay naman ang sigaw… tama kayo, sina Kathie, Toni, Jopet at Brenda lang naman ang mga ‘yon. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao eh.
Nangangalahati na ako sa hagdanan at medyo nakakamove on na ako sa kabang nararamdaman ko. Nice… nice… ipagpatuloy mo lang PM. Magandang pangitain ‘yan.
Nakasunod lang ang spotlight sakin. Ang mga camera ay nakarolyo na rin… sa palagay ko’y ibinobroadcast ito sa mga TV stations kung saan-saan. Huwag naman po sana, Diyos ko.
Nakarating ako sa baba ng safe. Hooh! Laking pasalamat ko… nawa’y magpatuloy na ito hanggang sa huli. Hindi ko talaga kakayanin kung may mangyaring kahiya-hiya sakin.
Naaninag ko na si Joselito sa gitna. Ngumiti ako… ‘yung matamis na ngiti ha.
Bwisit, ang sarap hambalusin ng kutsilyo ang pagmumukha nitong manyak na ‘to. Akala niya napatawad ko na siya sa ginawa niya kanina? Ha! Makikita niya pagka-uwi namin. Malalagot talaga siya sakin!
Ngumiti siya pabalik.
Saglit akong nahinto, ako lang ba talaga, o nag-iba ang itsura niya kanina sa dressing room? Bakit bigla siyang gumwapo? Bakit nakaayos na ang buhok niya? Tsaka hindi pa naman siya naka-tuxedo kanina ah?
Bakit ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko ngayon?
At bakit bigla na namang naging abnormal ang tibok ng puso ko?
Hindi… kaya ito nagiging abnormal hindi dahil sa kilig o admiration, kumakabog ito dahil sa matinding pagkayamot. Tama… ‘yun nga.
Huminto ako isang metro mula sa kanya. Nagkatinginan lang kami. Siya’y nakangiti habang ako’y… well, nakangiti rin. Hindi naman pwedeng nakabusangot ang mukha ko sa harap ng mga camera diba? Tsk.
Lumapit siya sakin at itinapat ang bibig niya sa tainga ko dahilan para mangilabot ako. Pakshet, ang tuhod ko! Ang tuhod ko!
“Hello.” Bulong niya. At take note, hindi lang simpleng “hello” ang pagkakasabi niya nun, parang pinilit niya talagang ipahusky ang boses niya. Kaderder talaga… yuck.
Ngumiti naman ako at inilapit ang labi ko sa tainga niya, “Punyeta ka.” Bulong ko.
Natawa siya at hinapit ang beywang ko at kinabig palapit sa kanya. Nagsihiyawan naman ang mga tao nang makita nilang halos magkadikit na ang tungki ng mga ilong namin.
Ako nga eh. Gusto ko ring sumigaw.
Sumigaw ng “Yuck! Kadiri!”. Ugh! Kung pwede lang sana… kung pwede lang.
“Ladies and gentlemen. I present to you, my wife in the eyes of the law and soon to be my wife in the eyes of God- Mrs. Patricia Marie Solon Buenaventura.”
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)