Patricia Marie Solon’s
“Miss Pm okay lang po ba kayo?” Tanong ni Kathie na siyang nagwawalis sa sahig.
Matamlay akong tumango, “Okay naman, bakit mo naman naitanong?”
Nagkibit-balikat siya, “Napansin ko po kasing matamlay kayo nitong mga nakaraang araw tapos kaunti lang ang kinakain niyo. May problema po ba, may kinalaman ba ‘to sa tumawag sa inyo no’ng isang linggo?”
Nahinto ako sa pag-aayos at tumingin sa kanyang repleksyon sa salamin, “Kathie, okay lang ako. Medyo iba lang ang pakiramdam ko.”
“Weeh?” Hirit niya na naman, “Hindi ako naniniwala sa ‘yo, sa tuwing sinasabi mong iba ang pakiramdam mo, eh, malalaman ko na lang na may problema ka.”
Ngumiti ako at bumalik sa pagsusuklay, “Maniwala ka, pagod lang talaga ako. Hindi kasi ako nakakapagpahinga ng maayos dahil sa trabaho ko pero bukod do’n, eh, okay na ako. At saka yung nangyaring pag-iyak ko no’ng isang araw, kalimutan mo na ‘yon.”
Bumuntong-hininga siya tapos bumalik sa pagwawalis, “Bakit hindi niyo na lang po patawarin ang Tatay niyo? Pansin ko po nasasaktan kayo sa tuwing iniisip yung sinabi mo sa kanya no’ng isang araw.”
Nahinto ako, inilapag ko ang suklay sa dresser at umikot upang harapin siya, “Hindi gano’n kadali ‘yon. Please Kathie, huwag na natin siyang pag-usapan.”
---
Maaga akong umalis ng bahay para sa contract signing para sa produktong ie-endorse ko. Kasama ko ngayon si Bullet habang pumiprima sa kontrata. May ilang kawani ng press ang narito para kumuha ng litrato at umaasang matanong ako pero kabilin-bilinan ni Bullet na hindi ako pwedeng tanungin tungkol sa mga issue ko at tungkol sa relasyon namin ni Joselito, lahat ng mga tanong ay tungkol lang sa produkto at kontrata ko sa kompanya.
May isang interviewer ang tumayo at nagtanong. “This is your first TVC. Are you excited?”
Tumango ako at nagsalita, “Ninenerbyos pero excited po.”
Panay lang ang tanong sa ‘kin ng mga tao. Minsan naman ay inililipat nila ang tanong sa mga kawani ng produkto. Pansin ko talagang gusto nila akong tanungin tungkol sa amin ni Joselito kaya medyo naiilang akong tumingin sa kanila. Ilang dasal na nga ang nagawa ko para matapos na ang contract signing na ‘to.
Mabilis natapos ang contract signing at ngayo’y nakasakay na ako sa service vehicle pauwi. Kasama ko si Bullet ngayon at tahimik lang siyang nagbabasa ng mga papeles.
“Mrs. B. talked to me about your church wedding,” Panimula niya habang hindi pa rin iwinawaglit ang tingin sa mga papel.
Napatingin ako sa kanya, “Talaga? Anong sabi niya?”
Sana ipinaatras ni Madame. Please, sana hindi na muna matuloy. Please Lord, please.
“The wedding is set to happen on March next year.” Kaswal na sagot ni bakla.
Napasinghap ako, “Ma—march?”
“Yes,” Tinapunan niya ako ng tingin, “Early March.”
“Teka,” Napahawak ako sa kanyang balikat, “Bakit hindi ko alam na nakaset na pala ang date ng kasal namin?”
Kumunot ang noo niya at inalis ang tingin sa mga papel, “What do you mean? Mrs. B told me na napag-usapan niyo na ang tungkol dito. Nakalimutan mo na ateng? Diyos ko, pati date ng kasal kinakalimutan mo na ngayon.”
Natigil ako at bumalik sa pagkakasandal sa upuan. Anong gagawin ko? Ibig bang sabihin nito, eh, nakaset na ang lahat? Bakit gano’n? Bakit ang bilis?
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansaDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)