Patricia Marie Solon's POV
"Fiancé?"
Humalkhak siya.
Nakakatawa ba yun?
Hinintay kong matapos siya sa katatawa. Tapos kapag hindi ako nakapagpigil pepektusan ko siya sa gums. Makikita niya.
Hindi na ba talaga kapani-paniwalang may magkakagusto sa akin? Napakapangit ko na ba talagang tao? Tangina, kainsulto ha.
"Totoo nga." Pinakita ko pa ang singsing sa daliri. "Kita mo 'to?"
Tumawa na naman siya. Yung tipong halakhak talaga. Naluha pa ang kumag sa tuwa. Ano, nakakatawa na yun?
Hinawakan niya ang balikat ko saka inayos ang sarili.
"Sabi ko naman sa 'yong 'wag ka masyadong padadala sa mga problema mo, 'di ba? Kung anu-ano na ang sumasagi sa utak mo."
"Bahala ka." Tinalikuran ko siya.
"Saang sementeryo mo ba napulot ang singsing na 'yan? Hubarin mo na nga 'yan." Tanong niya, biglang nagseryoso.
"Ba't ko naman 'to huhubarin?"
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Hubarin mo 'yan."
"Kuya..."
"Kung sino man 'yang poncio pilatong sinasabi mo, makikilala ko 'yan."
Bumuntong-hininga ako. Kagaya ng napag-usapan namin ni Madame, sinagot ko si Kuya Butch gamit ang gawa-gawang senaryo na ginawa ni Madame. Ito at ito lamang ang isasagot ko kahit kanino.
Sinabi kong nakilala ko ang aking fiancée sa isang seminar na ibinigay ng isang kompanya sa 'min mahigit tatlong taon na ang nakalilipas. Hindi ko sinabi ang tungkol sa kanya o ang relasyon namin dahil galing siya sa isang mayamang pamilya. Kapag nalaman ng pamilya niyang may relasyon kami, siguradong tututol ang mga ito sa amin.
"At ano, ngayon niyo lang pinaalam sa 'min dahil okay na? Tanggap na ng pamilya niya?" Puno ng sarkasmo niyang sabi.
Tiningnan ko siya. "Oo, dahil nasa edad na kami at walang magagawa ang pamilya niya kundi tanggapin kung ano man ang meron kami."
Marahas niyang kinamot ang ulo.
"Magsinungaling ka na sa lahat ng tao, 'wag lang sa 'kin. Sa tingin mo maniniwala ako diyan?"
Binalot kami ng katahimikan.
"Magpapakasal ka ba para sa pera?"
Wala akong naisagot. Iniwas ko ang paningin. Naiinis ako sa kanya. Wala akong obligasyong sagutin siya. Buhay ko naman 'to.
Oo, magpapakasal ako para sap era at oo, nagsisinungaling ako. Bakit? Dahil gusto ko lang maiahon ang pamilya ko sa hirap. Masama ba 'yon? Sakim ba ako?
Wala akong pakealam.
Nilapitan niya ulit ako. "Ano 'tong pinasukan mo?"
Pinantayan ko ang tingin niya. "Wala."
"Anong wala? Kahapon lang wala kang boyfriend tapos ngayon ikakasal ka na? Ano-- pinilit ka ba niya? Sinet-up? Blackmail?"
"Wala nga! Hindi niya ako pinilit. Hindi niya ako ginipit. Kusa akong magpapakasal."
Napipikon na ako. Nirerespeto ko naman si Kuya. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa kanya. Pero ayoko namang pinapakealaman niya lahat ng desisyon ko sa buhay.
"Hindi ka ganito. At least, hindi yung Patriciang kilala ko. Kung nahihirapan ka, lumapit ka sa 'kin 'wag yung kung anu-ano ang ginagawa mo!"
"Alam kong nag-aalala ka para sa 'kin pero, Kuya, alam ko ang ginagawa ko. Huwag mo naman sana akong pangunahan. Ayokong mag-away tayo dahil dito. May pinagsamahan tayo, sisirain ba natin 'yon dahil dito?"
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
عاطفيةDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)