Prologue

1.3K 15 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

copyright (c) sintinta, 2012



***

"Patricia Marie Solon?" Tumingin sa mga taong naghihintay ang babaeng lumabas mula sa Human Resource Department. Dala niya ang mga nagpaong-patong na resume at isa-isang sinuri ang mukha ng mga nakaupo sa lobby.

Lumingon ang dalagang nakaupo sa unang upuan. Tumayo ito, inayos ang kanyang palda, ngumiti, at nilapitan ang babae. "Magandang umaga po, ako po 'yan."

Ngumiti pabalik ang empleyado at giniya papasok ang dalaga. "Come in."

Huminga siya ng malalim at tumingala sa  karatulang nakapaskil sa ibabaw ng pinto bago tuluyang pumasok.

BUENAVENTURA LAND, INC.
Human Resource Department

Pinaupo siya sa harap ng isang kyubikel habang hinihintay ang taong kakausap sa kanya. Nilibot niya ang tingin sa buong espasyo. May sa sampong kyubikulo ang narito, bawat empleyado ay tila abala sa kanya-kanyang trabaho. May mga nakikipag-usap sa telepono,  nagkakape, mayroong nagpi-print ng mga dokumento, at mayroon namang nakikipag-usap sa mga aplikante.

Tumikhim ang dalaga at tiningnan ang kanyang nanginginig na palad. Pinilit niyang ikalma ang sarili at hinapuhap ang kamay sa palda.


--- --- UNEDITED PART --- ---

Nakaharap ito sa isang laptop at mukhang seryoso sa ginagawa. Napapaligiran siya ng hile-hilerang papeles na wari ko'y importante. Nakakabilib lang dahil halos matabunan na siya at ang buong desk sa dami ng mga ito.

Nang maipakilala ako ng babae sa kanya'y saka lang ako tiningnan ng lalaki. Ngumiti siya at tumayo.

"Good morning!" Bati niya at inilahad ang kamay. "I'm Alexander Reyes. You can call me Alex. Have a seat!"

Tinanggap ko ang kanyang kamay bago umupo. May binulong ang sekretarya sa kanya bago ito lumabas ng opisina. Nang makalabas ang babae'y itinuon niya na ang pansin sa akin.

"So you're applying as one of the encoder, right?" Sabi niya habang binabasa ang resume ko. "How good are you with computers?"

Tumikhim ako. "Minsan na po akong nagtrabaho sa isang Salon, ako po ang receptionist doon at isa po sa aking ginagawa ay ang pag-encode ng mga appointments at mga transakyon ng mga customer namin. Nakapagtrabaho na rin po ako sa isang Paprentahan, taga-encode po ako ng imbentaryo roon."

Tumango-tango siya sabay hawak sa baba.

"Can you rate yourself according to how well you handle the Microsoft Bundle Applications?"

Sabay na nagsipagtaasan ang mga kilay ko. "Po?"

Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Please rate your skills. Kung gaano ka kagaling gumamit ng computer."

"Ah~ siguro na sa mga eight po, eight." Sagot ko.

"Eight, huh?" Tumaas na naman ang sulok ng kanyang labi, animo'y minamaliit ako.

Marami pa siyang tinanong, at sa tuwing sinasagot ko siya'y binibigyan niya ako ng nanunuyang tingin. Para bang ipinapahatid niya sa akin na hindi maganda o tama ang mga naging sagot ko. Naging dahilan iyon upang mas lalo akong kabahan at hindi makasagot ng tama.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon