Sixty-Three

143 3 0
                                    


Patricia Marie Longworth's POV

"Bakit hindi ka sumali sa after-party kagabi?" Tanong sa 'kin ni Nanay pagkagising ko, "Naglipana ang mga report na iniiwasan mo raw ang camera."

Nagbuhos ako ng kape sa tasa sabay kinamot ang aking ulo, "Pabayaan niyo na po sila. Wala naman po akong balak magpa-interview o ano."

"Naaalala mo pa rin ba ang mga nangyari noon?" Nag-aalalang tanong ni Tatay.

Umiling ako, "Inaamin ko hindi pa rin nawawala yung galit... pero tama na, ayoko nang mag-aksaya ng panahon, ayoko na silang bigyan ng pansin pa. Maii-stress lang ako kapag nagkataon."

Napaaga ang gising ko ngayon dahil ginising ako ni Nanay. Hindi ko alam na dumating na pala sila. Sa ngayong nakaupo kami sa balcony ng family room dito sa hotel. Nasa pinakatuktok kami ng building at tinitingnan namin ang kabuuan ng syudad ng Alinam. Sa loob ng limang taon parang wala pa ring nagbago sa lugar na 'to. Maingay, mabaho, traffic, at mainit. Maliban na lang siguro sa isang matayog na building sa harap mismo nitong hotel kung saan nakapaskil ang isang LED Big Screen, ipinapalabas nito ang isang commercial ng construction company ng mga Laurente.

Noon, commercial ng kompanya ng mga Buenaventura ang pinapalabas sa malaking screen na 'yan. Kailan ba 'yan binago? Kailan ba bumagsak ang mga Buenaventura?

"Gusto mong malaman kung anong nangyari?" Tumingin si Tatay sa malaking screen.

Napatingin ako kay Tatay saka tumingin sa dala kong kape, "Hindi ko lang inakalang babagsak ang mga Buenaventura. All people look at them as if they were gods five years ago."

"Sa totoo lang nabalitaan namin ang pagbagsak ng kompanya nila five years ago." Sabi ni Tatay, "But you were in the hospital at wala ka sa tamang kondisyon noon. We had to cut all your connections to the Buenaventuras as much as possible para hindi ka na maapektohan pa sa mga nangyayari noon."

Ngumiti ako saka uminom ng kape, "Naiintindihan ko po." Huminga ako ng malalim at pinasadahan ang aking buhok.

Hindi kami pumunta ng Jeju Island... tumapak lang kami sa Korea dahil kinailangan ko ng medical assistance sa mga panahong 'yon. Siguro nga, nabaliw na ako sa mga oras na 'yon. Sabi nila hindi ako kumakain, hindi ako nagsasalita, hindi ako lumalabas ng hotel, at ang mga sugat na natamo ko sa pagkuyog ng mga tao sa 'kin ay hindi gumagaling.

And up to this day, I have this scar on my chest.

Hindi ako pinagamot ni Tatay sa Amerika dahil alam niyang susunod si EJ doon. Alam niyang guguluhin kami ng mga tao.

"A penny for your thoughts?" Inakbayan ako ni Tatay. "Mukhang ang lalim ng iniisip ng anak ko ah?"

Isang ngisi lang ang sinagot ko. Tinitigan ko ng matagal ang tanawin bago tumayo, "Maghahanda na po ako. Maaga pa po ang meeting ko ngayon eh."

"May meeting ka ngayon?" Saad naman ni Nanay.

"Opo, may community extension po kasi kami ni Toni at Jopet sa kalapit na slum area rito. We're trying to help them relocate kaya nakikipag-associate kami sa local government."

With astonishment in their faces halos sabay silang napatayo at niyakap ako, "Talagang pinapatunayan mo ang sarili mo."

Ngumiti ako't niyakap sila ng mas mahigpit, "Salamat po."

Kumawala ako sa yakap, nagtungo sa kwarto para maghanda.

***

"Good morning Miss Longworth," Bati sa 'kin ng janitress ng opisina.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon