Patricia Marie Solon's POV:
"So, your mother wants to see me?" Nakataas ang kilay niya habang nagtatanong.
Tumango ako at ipinaliwanag ulit kung bakit gusto siyang makilala ni Nanay.
"Strikto kasi ang Nanay ko. Ako lang yung nag-iisang babae sa 'ming magkakapatid kaya—siyempre—gulat na gulat siya nung sinabi ko, at saka—
Itinaas niya ang isang palad, senyas na tumigil ako sa pagsasalita.
Alam niyo, kung 'di lang talaga anak 'to ni Madame matagal ko na 'tong tinadyakan sa bayag.
"You could've just told her that it's not real." Walang pakealam niyang sabi. "What did Mama tell you?"
"Kung sinabi ko kay Nanay na titira ako kasama ka sa iisang bahay dahil sa pera, sa tingin mo darating pa ako ritong may ulo?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Okay," Tumikhim ako. "Alam kong busy ka. Marami kang ginagawa. At sa totoo lang... wala akong pakealam."
Sumama ang tingin niya.
"Pumirma ako ng kontrata. Hindi pwedeng sabihin sa ibang tao ang tungkol sa kasunduan. Iyang ang bilin ni Madame. Walang dapat makaalam na nagpapanggap lang tayo. Yung totoo, hindi mo ba binasa yung kontrata?"
Umirap siya. Hindi ba obvious na wala akong oras magbasa? Iyan ang pahiwatig ng pagrolyo ng mga mata niya.
Kapag sinuntok ko talaga 'to sa puyo, paglalamayan talaga 'tong mokong na 'to eh.
"Sir Buenaventura, narito ako para tumayong girlfriend mo. Ibig sabihin, kailangan mo ang tulong ko. Sa pagkakaalam ko, may deadline kang hinahabol at wala ka nang oras maghanap ng iba pang babae. Kung aatras ako, sa tingin mo maaliwalas pa rin ang kinabukasan ng buwisit mong plano?"
Nagtagis na talaga ang bagang ko. Ginagalit ako, eh! Ayokong ginagalit ako!
"And what are you trying to imply?"
"Mamanhikan ka. Iyan lang ang hiling ko."
Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ko iniwas ang paningin hanggang sa tuluyang pumasok sa kukote niya seryoso ako sa mga sinasabi ko.
Natahimik siya, nag-isip. Blangko ang tinging ipinukol sa 'kin. Sumandal siya sa upuan at hinimas ang sentido.
Sumasang-ayon ba siya? Hindi? Hindi ko siya mabasa!
Bumuntong-hininga siya at inabot ang cellphone sa center table. May pinindot siya dito saka itinapat sa tainga ang telepono.
"Jane," Panimula niya sa kausap. "I'd like you to do something for me, please. Yes. Yes. She's in here, right in front of me."
Nagnakaw siya ng tingin sa 'kin. Sinuri niya ako mula hanggang paa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Problema nito.
"Yes, are you sure this is the one? Can you please check if there's a mistake?" Saad niya, tila humihingi ng pabor.
Aba't! Ako ba ang pinag-uusapan ng mga mokong na 'to?
Isang minuto ng katahimikan pa ang lumipas. Naiilang kaming nagkatitinginan pero agad ding iniiwas ang tingin.
Diyos ko, gusto ko nang umuwi!
"There's no mistake? Alright. Well... can you please check my schedule on Friday?" Aburido niyang untag.
Hindi na ako nakinig sa kanya. Inilibot ko na lang ulit ang paningin sa bahay. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko katulad ng:
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
Storie d'amoreDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)