Patricia Marie Solon's POV:"Pasensya na hija pero wala kaming bakanteng trabaho ngayon eh." Marahang sabi ng may-ari ng karenderyang in-apply-an ko.
Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng matamlay. Wala akong magagawa. Hindi ko na lang pinilit. Nagpasalamat ako at nagsimula na ulit sa paglalakad.
Badtrip and mga in-apply-an kong trabaho. Wala ni isa ang naipasa ko. Pare-pareho lang ang sinasabi nila sa tuwing tinitingnan ang aking resume, underqualified.
Huminto na muna ako sa waiting shed upang magpahinga. Maggagabi na pero wala pa ring tumatanggap sa 'kin. Hindi naman ako nahihirapang maghanap ng trabaho noon. Bakit ngayon ang hirap-hirap na?
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa mga matatayog na gusaling nakapalibot sa akin. Kailangan kong magtiis. Sa laki ng babayaran ko, hindi ako pwedeng magpahinga. Wala akong oras upang magpahinga.
"Buwisit na matandang 'yon." Bulong ko.
Alam niya naman ang sitwasyon naming. Bakit ayaw niyang umintindi? Gano'n ba kahirap intindihin na hindi kami kasing yaman niya? Alam niya bang halos asin na lang ang ulam naming araw-araw!?
Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata. Ayokong umiyak. Wala akong panahong umiyak. Matatag ako. Hindi ako basta-bastang umiiyak. Buwisit.
Naiirita ako. Naiirita ako dahil naaawa ako sa sitwasyon namin. Ayokong kinakaawaan. Ayokong kaawaan ang sarili dahil alam ko namang may paraan pa upang malampasan ko 'to.
"Yayaman ako," Gait ko, "Yayaman ako at sasampalin ko talaga ang matandang 'yon ng pera!"
Hindi naman ako masamang tao. Hindi naman ako katulad ng matandang balasubas na 'yon. Marunong akong rumespeto, puwera na lang sa buwisit na matandang 'yon. Kung wala lang talaga akong utang sa kanya, nako, umiiyak na 'yon ng dugo sa 'kin.
*Bzzt! Bzzt! Bzzt!*
Tumunog ang cellphone sa aking bulsa. Bigay 'to sa 'kin ni Kuya Butch. Isang lumang Nokia 3315 na sa tingin ko ay nabili niya sa isang snatcher sa Noloc. Regalo niya sa 'kin 'to noong birthday ko.
"Ate ubos na ang gamot ni Nanay."
Text ito mula sa kapatid kong si Toni, ang bunso ng aming pamilya.
Kinamot ko ang ulo. Oo nga pala, ubos ng apala ang gamot ni Nanay. Dumukot ako ng pera sa bulsa. Sa kasamaang-palad, singkuwenta pesos na lang ang nabunot ko.
Nakakapanlumo, nyemas.
"Sinusubukan mo talaga ako, Lord." Masama akong tumingala sa kahel na langit. Bakit mas lalo Niyang sinasagad yung mga sagad na?
Dahil wala na akong pera pamasahe, naglakad na lang ako habang naghahanap ng botika. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Basta lang akong humakbang sa pedestrian lane sa gilid ng bridge at nagpatuloy sa daan.
Habang naglalakad, napansin ko ang makulay na kalangitan. Lumulubog na ang araw sa paanan ng karagatan. Huminto ako sa paglalakad at tinitigan ang papalubog na araw. Dahan-dahan akong tumingin sa baba, sa umaagos na tubig. Humawak ako sa railing at napaisip.
Kapag ba tumalon ako rito, matatapos ba ang mga problema ko?
Kakayanin ba ng pamilya ko?
Magiging okay lang ba ang mga kapatid ko?
Magiging okay ba si Nanay?
Makakahanap ba sila ng paraan upang mabayaran ang utang namin?
Maaawa ba ang walang-kwenta kong ama at uuwian kami?
Napapikit ako. Humigpit ang hawak ko sa railing. Kapag tumalon ako rito, siguradong tatama ako sa mga trusses sa baba. Hindi pa man ako nakakaabot sa tubig, patay na ako.
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansaDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)