***
Patricia Marie's POV:
"Bakit mo kinakausap ang lalaking 'yon Patricia?" Tanong sa 'kin ni Tatay. "Alam mong halos isumpa ko na ang walang-kuwentang 'yon sa ginawa niya sa 'yo... nakakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya sa 'yo... kung ilang sugat at peklat ang natamo mo dahil sa kagaguhan niya!?"
Tumungo ako, walang maisasagot. Nahihiya akong tumingin kay Tatay kasi alam kong batid niya na kung bakit ko kinakausap si EJ. Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko at sa kanila... pero nahihiya akong aminin ang totoo, dahil alam kong ito ang ikinakatakot nila. Natatakot silang masaktan ako ulit dahil alam nila, at nasaksihan, kung paano ako nawasak sa mga nangyari.
Hindi lang ang buhay ko ang gumuho noon.
Umupo si Tatay sa aking tabi at huminga ng malalim. Tumingin siya sa 'kin. "Mahal mo pa rin ba siya?"
Maluha-luha kong pinantayan ang kanyang tingin.
Iniwas niya ang tingin at hinilamos ang palad sa mukha. Tumitig siya sa kawalan at pinikit ang kanyang mga mata. "Anak masasaktan ka na naman."
Namayani ang katahimikan sa buong kuwarto.
"Sana maintindihan mo kung bakit nagagalit ako." Mahinahon niyang sabi, "Bilang ama responsibilidad kong protektahan kayo... at lahat gagawin ko para lang masigurong maayos kayo at ang Nanay niyo. Napakalaking dagok sa akin ang nangyari sa 'yo Patricia, kung alam mo lang kung gaano... kasakit para sa 'kin ang makita kang umiyak at maghingalo ng gano'n." Hinawakan niya ang balikat ko, "Anak hindi mo alam kung ano na naman ang gagawin ng lalaking 'yon... Patricia, magmahal ka ng iba, 'wag lang siya."
Alam ko... alam na alam ko 'yan-- pero itong lintik na puso ko ang ayaw tumigil eh. "Pinilit ko naman po Tay, ginawa ko naman po ang lahat... akala ko nga wala na eh." Pinasada ko ang mga daliri sa buhok, "Akala ko puro galit na lang ang mararamdaman ko sa oras na makita siya pero bakit gano'n? Bakit siya pa rin? Bakit sa lahat ng nangyari sa kanya pa rin bumabalik ang puso ko? Nasasaktan ako sa tuwing may kasama siyang iba, naiinis ako kung hindi siya nakikita, at natatakot akong baka mawala siya. Buwisit naman kasi itong puso ko Tay eh. Natatakot ako pero mahal ko pa rin siya."
Natahimik siya, nag-isip. Tumayo naman ako at dumungaw sa bintana. Tumingin ako sa madilim na paligid at huminga ng malalim. Inisip ko kung anong mangyayari kung babalik nga ako kay Joselito, kung magiging okay ba nag lahat o kung babalik ba ang lahat sa dati. Walang kasiguruhan ang lahat at 'yan ang gumugulo sa 'kin, hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kung babalik ako sa kanya. Masasaktan na naman ba ako? Sasaya ba ako?
"Umuwi ka sa New York,"Tatay said out of the blue.
Lumingon ako sa kanya. Pinapauwi niya ako sa New York?
"It has always been your plan, right?" Tumayo siya at namulsa. "After signing the contract you're going back to New York."
Tuluyan ko siyang hinarap. "Pero Tay hindi pa po tapo ang project—
"It is not an excuse Patricia," Seryoso niyang saad. "Go back to New York and clear your head, si Toni at Jopet na ang bahala sa proyekto."
"Tay hindi ko po magagawa 'yan," Lumapit ako sa kanya. "Kailangan ko pong masiguro na okay ang takbo ng proyekto... ito ang habilin ni Lolo sa 'kin."
"You can do that while in New York," He fished out his phone from his pockets. "Your mom and I will be going back to New York early next month, you'll come with us."
"Tay naman, hindi ko po kayang iwan ng ganito ang Kahisan."
"And I can't take the risk Patricia," He faced me, "I can't let him or anyone hurt you again."
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomanceDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)