Twenty-three

248 7 0
                                    

 

            Balik trabaho na kami ni Joselito ngayon.

 Iniimbitahan kami na mainterview, minsan naman ako lang. May mga pictorial din kami sa mga magazine kung saan pinag-uusapan ang relationship naming dalawa, hindi ko na nga mabilang, eh. Akalain mong pati PHM, in-imbitahan akong magpose para sa cover nila ngayong buwan! Ayoko no, ‘yung Calvein Klein pa ang kinakaya ko, pero ang magpose ng hubo’t-hubad sa harap ng camera? Aba! Hindi ko na kaya ‘yan, tsaka hindi rin ako pinayagan ni Bullet dahil may konting bilbil pa daw ako sa tiyan. Excuse me lang, at least konti lang no. Nag-guest din ako sa isang lifestyle show kung saan tinulungan kong makaluto ng tinolang manok ‘yung host.

            At ito pa, ang rami kong pictures na naglipana sa internet! Nandoon ‘yung picture ko sa mall habang kumakain ng waffle na may caption pang “Simple wife eats simple food.”. Tapos may video rin akong lumabas sa TVT Patrol kung saan kumakanta ako kasama ‘yung street performer. ‘Yung tumutugtog ng plastic drums? At may caption pa talagang, “Patricia’s Random Moments”. May fake instagram account at Twitter account na daw ako…

            Kahit saan ako magpunta, kahit anong gawin ko may picture na ako!

            Medyo hassle na kasi hindi na ako nakakalabas ng bahay na walang nakabuntot na guard. Minsan kasi sa tuwing umuuwi kami ni Joselito, may mga taong nakaabang sa gate na may dalang banner. Lumabas ako isang beses sa service vehicle sa tabi ng daan kasi naglalaway ako sa ibenebentang fishball sa may Alinam Bay, akalain mong may nagpapicture agad sakin at nagkagulo agad! Ang resulta? Ayun, naipit na naman ako. Mabuti na lang at hinarang ng driver ang mga tao at nakabalik ako sa loob ng sasakyan na safe. Minsan kasi hindi ko maiwasang magkaroon ng galos, kinukurot kasi ako ng iba. Hindi ko naman alam kung bakit.

            Sa ngayon naman ay nandito ako sa set ng teleserye ni EJ. Pinapunta kasi ako ni Madam dito para daw mas may effect ang pagiging mag-asawa namin. Ayoko sana, kaso, wala akong magawa. Si Madam na kasi ang nag-utos… hindi ako makaalma.

            Sa kabilang banda, cold war kami nitong katabi ko ngayon. Hindi pa rin kasi ako kinakausap nito mula nung nangyaring away namin sa bahay. Galit din ako sa kanya! Akala ko kasi talaga susuntukin niya ako sa panahong ‘yon. Mabuti na lang at sa refrigerator niya itinama ang kamao niya. Kasi kapag sa mukha ko talaga, nako, ewan ko na lang. Makakatikim siguro siya ng impyerno sa kamay ko. Hmmp! Akala niya ha… may lahing amazona kami!

            Pero minsan nakikipag-usap naman siya sakin, pero sa tuwing kailangan lang talaga o kung may taong dadaan, kung wala na, mas tahimik pa kami sa taong tulog. Pero goodvibes para sakin dahil hindi ako masyadong naiinis. Masaya ako kasi bawas pagkaimbyerna. Less hassle.

            Nasa tent kami ngayon, kunwari binisita ko daw siya sa set at dinalhan ng pagkain (na si Madam ang naghanda) kasi nag-aalala ako. Pweh! Gusto kong masuka. Dala, dala ng pagkain, marami namang restaurant dito.

            Pero kever na lang ako. Excited kasi akong mapanood ng live si Ericka. Fan niya kasi ako. Ang galing niya kasi talaga, eh. Tapos ang ganda ganda ganda niya talaga kahit walang make-up. Tsaka, ngayon lang kasi ako makakapanood ng taping sa malapitan. Nae-excite tuloy ako.

            Tumayo ako at naglakad palabas ng tent. Wala namang tao kaya dineadma ko na lang ‘yung katabi ko. Hmmp! Lumutin siya diyan, asa namang magsosorry ako.

            Palabas na sana ako ng tent kaso sumunod siya at inakbayan ako bigla. Mabilis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

            “Ano ‘yan?” Tanong ko sabay nguso sa braso niyang nakapatong sa balikat ko.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon