Thirty-one

243 5 0
                                    

Patricia Marie Solon’s

Gusto ko na si Joselito.

Hindi ko alam kung bakit, paano, kailan, at saan nagsimula, pero, iyan ang napagtanto ko kagabi.

Marahas kong kinamot ang ulo at tumagilid upang yakapin si Chupisto.

Ayan kasi, e. ‘Di ba sabi ko naman sa iyong dumistansya ka!?

Hindi naman talaga todong gusto ko na siya. Over! Todo agad!?

Naiinis pa rin naman ako sa kanya, ayaw ko pa rin sa kanya, at mas tumindi ang pagnanasa kong malayo sa kanya.

Kumbaga sa teenager, crush lang.

Tae, bakit naging crush ko ang hipong ‘yon? Walang kaaya-aya sa lalaking ‘yun, e.

Paikot-ikot lang ako sa kama. Hindi kasi ako mapakali lalo na ngayo’t inamin ko na sa sarili kong may gusto ako sa kanya.

Paano ba mawawala ang pagkakagusto mo isang tao? Ayoko nito, e. May gamot ba para dito? Kasi kung meron bibili talaga ako ng marami para mawala na agad ito kinabukasan.

Bumuntong-hininga ako at napatingin sa pulso ko. Nakasuot pa rin dito ang nabili naming couple bracelet kagabi sa night market. Hindi ko talaga inakalang bibili si Joselito ng ganito… aba’y mas lalong hindi ko naman in-expect na pupunta siya sa isang night market, ‘no. Ang arte-arte kaya ‘nun.

--

Nawiwili kami sa paglalakad at patingin-tingin sa mga stalls. Minsan humihinto kami upang subukan ang ilang bagay. Sinubukan namin ang mga ibenebentang round cap, kumakain kami ng kung anu-ano, at nilaro rin namin ang ilang mga games dito.

Bagay ba sakin?” Humarap sa akin si Joselito na nakasuot ng mumurahing reading glasses.

Muntik ko nang maibuga ang kinakain kong mais dahil hindi ko naihanda ang sarili. Pakshet, ang gwapo ng baliw. Parang binunot lang sa mga anime na pinapanood noon ni Jopet, e.

Pasimple kong itinakip ang isang palad sa aking mukha bago nag-aprub, “O—oo.”

You think I should buy this?” Tanong niya ulit sabay hubad ng salamin at sinuri ito.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon