Twenty-four

293 8 0
                                    

 “Are we there yet?”

Napapikit ako sa inis. Pangsampung tanong niya na sakin niyan at kanina pa talaga ako naririndi. Tangina, hindi lang naman siya ang pagod dito! Ako din… ako!

Nagbingi-bingihan na lang ako. Baka kasi masapak ko pa ang maarteng ‘to.

Naglalakad na kami ngayon papuntang baryo Kahitsan. Mga sampung minutong lakaran na lang ‘yon mula sa binabaan namin. Malay ko ba kasing hindi dideretso ng Kahitsan ang jeep na ‘yon.

“Are we there yet?” Tanong ulit ni Joselito.

Banas na banas na ako. Mainit pa ang ulo ko dahil kanina pa tirik ang araw at naiirita na ako sa init at lagkit ng katawan ko. Tapos, dadagdagan pa nitong balahurang ‘to?

“Malapit na.” Sagot ko sabay sukbit ng bag.

“Ilang ‘malapit na’ ang naisagot mo sakin but we’re still walking.” Inirapan ako ni Joselito.

Sinamaan ko ng tingin si Joselito, “Ikaw *duro sa mukha niya* puro ka na lang reklamo. Sa tingin mo ikaw lang ang pagod dito? Hoy, banas na banas na ako diyan sa pag-iinarte mo ha. Walang namilit sayo na samahan ako dito!”

“Do you think I wanted to come?” Tinuro ni Joselito ang sarili niya.

“Che!” Sabi ko.

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok at tumalikod na. Wala na akong time para makipagtalo pa sa kanya. Kung ayaw niyang magpatuloy pa sa paglalakad, pwede naman siyang bumalik sa Alinam eh. Hinding-hindi ko talaga siya pipigilan.

“Miss PM! Tingnan niyo po!” May itinuro si Kathie sa akin sa may di kalayuan.

Tumingin ako ‘dun sa tinuro niya.

Maligayang Pagdating sa Baryo Kahitsan

Sa wakas!

Halos yakapin ko na ang signage dahil sa saya.

Tumingin ako sa daang bumababa hanggang sa kapatagan sa di kalayuan. May malalawak na palayan at mangilan-ngilang bahay ang naroon. Puro berde lang talaga ang makikita mo. Ah, makikita ko na si Lolo Guado!

“Yes!” Napatalon ako sa tuwa at tumakbo pababa ng burol. Humaygad… excited na talaga ako!

“Miss PM, hintay!” Sigaw ni Kathie.

Ngumiti ako sa kanila. Para bang lahat ng pagod na naramdaman ko kanina ay naglahong parang bula. Nadadala ako masyado sa excitement.

“Bilisan niyo!” Sabi ko at tumakbo na nga papunta sa baryo.

***

“Nay!” Kinalampag ko ang gate ng bahay ni Lolo. Nagtext kasi sakin ang mahal kong ina na nauna na daw sila dahil tutulong pa sila sa paghahanda para sa piyesta. Presidente kasi ng kapilya si Lolo kaya siya ang may pinakamalaking handa sa baryo taon-taon.

Wala pa rin talagang nagbago sa bahay ni Lolo. Sa panahon pa kasi ng Kastila itinayo ang bahay na ‘to. Tagal na no? Pero kahit ganon mukahng matibay pa rin…

“Anak!” Napatakbo si nanay nang makita niya kaming tatlo ni EJ at Kathie sa gate.

Mabilis niyang binuksan ang gate na gawa sa kawayan. Niyakap ko siya pagkatapos magmano, nagmano na rin si Kathie bilang respeto. Tumingin ako kay Joselito, tinaasan lang ako ng kilay. Bastos talaga.

Hinilig ko ang ulo upang imwestra na magmano kay nanay.

Napa-“oh” naman siya at kinuha ang kamay ni nanay at nagmano na rin.

“Bakit ang tagal niyo?” Tanong ni Nanay myLoves.

“Nasiraan po kasi kami.” Sagot ni Kathie. Hayaan niyo na, epal ‘yan.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon