CATHERINE DOMINGO's POV [KATHIE]
"Toni!"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, siya ba talaga itong nakikita ko? Hindi ba ako pinaglalaruan ng isip ko? Baka guni-guni ko lang 'to. Baka nagha-hallucinate lang ako dahil lagi kong iniisip sina Miss Pm.
"Bu- bumalik ka." I exasperated, looking at him from head to toe. Ibang-iba na ang ayos niya ngayon. He's wearing informal casual clothes at nakasuot na rin siya ng eyeglasses. I have to admit, he's dashing. Kung hindi ko siya kilala mapagkakamalan ko siyang modelo o artista!
He eye-smiled, "Yeah, I came back."
Napangiti ako. Ibig sabihin narito na rin si Miss Pm at... si Jopet? Ibinalik ko ang tingin sa kanya saka inalog ang kanyang kamay, "Kailan pa kayo dumating?" Tumingin-tingin ako sa paligid, "Si-Si Jopet?"
"Kahapon lang kami nakarating. He can't meet you today because he has work to do. Don't worry you'll meet him during the convention," Tumingin siya sa paligid saka huminga ng malalim, "You chose a nice place, as expected from you."
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha. Hindi ko alam kung anong isasagot sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Lahat ng inihanda ko kanina parang bulang naglaho sa isipan ko.
"Let's get down to business," Pinasadahan niya ng kamay ang buhok saka umupo sa nakalaang silya para sa kanya, "Let's talk about your prospect for the upcoming convention."
Humugot ako ng lakas mula sa kailaliman ng espiritu ko. Magiging okay ang lahat since si Toni lang naman ang kausap ko. He's not a different person and I don't think naman na magiging strikto siya sa 'min.
God, I'm so excited. Ang saya, paniguradong sure win na 'to para sa kompanya!
I sat down at kinuha ang folder sa dala kong briefcase. Binigyan ko siya ng kopya ng mga dala kong dokumento saka nagsimulang i-explain ang proyektong ilang buwan naming pinag-isipan at pinaghirapan para lang sa opportunity na 'to.
This is the most important presentation that happened in the company... and technically in my entire career. Dahil kapag nakuha namin ang deal na 'to, lalakas ang sales namin at magkakaroon kami ng oportunidad na makakuha ng malalaking investors sa ibang bansa. Napakahirap kumuha ng schedule para lang sa lunch meeting na 'to kaya pinaghandaan talaga namin ito ni Sir Ej... pero the fact na ang pamilya pala nina Miss Pm ang nagpapatakbo nito, hindi ako makapaniwala. Hindi ko in-expect na ganito sila kamakapangyarihan.
Ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko inisip na magiging kliyente namin si Toni at hindi lang 'yan, isang napakaimportanteng tao pa na kailangan naming ingatan at respetuhin dahil nakasalalay sa kanya ang kinabukasan ng kompanya.
It's funny how the world turns. Ano kaya ang reaction ng mga Buenaventura ngayon? Paano kung si Miss PM ang kakausap sa kanila? How would they react? Gosh, I'd pay just to see that scene.
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
Roman d'amourDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)