“Good morning.” Sinalubong ako ng ngiti ni Joselito.
Anong maganda sa umaga kung ‘yang mukha niya ang makikita ko agad? Sira na ang araw ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Lumayas ka sa harap ko. Masakit ang ulo ko Joselito.”
“Tsk, tsk, tsk. That’s what you get for drinking too much.” Sabi niya habang napapailing, “You know I really don’t like girls who drink a lot.”
“Tumahimik ka.” Sabi ko sabay hawi ng kumot sa katawan ko at bumaba ng kama, “Lumayas ka nga sa harap ko, lalong sumasakit ang ulo ko sa pagmumukha mo eh.”
“Really Patricia?” Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.
Ngiti-ngiti nitong hipong ‘to? Ano bang meron ngayon at parang ang saya niya? Teka, may nangyari ba kagabi kaya ganito na lang kadiri ang mukha nitong epal na ‘to?
Teka, isipin ko nga.
Nagkwentuhan lang kami dun sa barong-barong na nasa gitna ng palayan ni Lolo Guado tapos naikwento ko sa kanya ‘yung ginawa ni Tatay, tapos kinuwento niya sakin na anak siya ni Madam sa ibang lalaki… tapos… tapos… sinabi niyang may sakit siyang, ano nga ba ulit ‘yun? Uh, Dissociative Identity Disorder? ‘Yun yata ‘yun, eh, yung sakit na may iba’t-ibang katauhan ang kumukontrol sa kanya. In short, sakit sa utak. Tapos… hmm? Tapos, hindi ko na matandaan. Mukhang nakatulog na yata ako.
“Hoy, may nangyari ba kagabi kaya iba ang ihip ng hangin mo ngayon?” Namewang ako sa harap niya, “Ano na namang kabalbalan ang ginawa mo kagabi?”
Ngumiti siya na siyang ikinagulat ko.
Ang tamis kasi ng ngiti niya.
“I’m a bit sad that you forgot about it, but no matter, it’ll dawn on you.” Sabi niya sabay tapik sa pisngi ko.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
“Let’s go. It’s still 6:00 am but everyone’s awake. It feels good to wake up this early, don’t you think so Patring?” Sabi niya sabay inat-inat.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Okay, medyo nawiweirduhan na ako sa lalaking ‘to.
“Say, how about we take a walk around the place? Let’s breath some fresh air.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto.
Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa.
Bakit hindi ako umaalma?
***
Hinihigop ko ngayon ang kapeng bigay sa akin ni ‘To Biben kanina. Isa pa ‘yung si Tito, may iba talaga sa ngiti niya kanina eh. Para bang may alam siyang bagay. Ayoko namang magtanong kasi nahihiya ako. Hindi naman kasi kami masyadong close ‘nun.
Dinuduyan ko ang sarili sa kahoy na duyan sa ilalim ng puno ng mangga sa labas ng bakuran ni Lolo. Si Joselito naman ay nakaupo sa lantay sa gilid ko, umiinom rin siya ng kape na binigay sa kanya ni Summer kanina.
“Ano ba kasing nangyari kagabi?” Kunot-noong tanong ko sa kanya habang hinihipan ang dala kong tasa.
Nagkibit-balikat siya, “I can’t tell you yet.”
Mas lalong kumunot ang noo ko, “Ano ba kasi ‘yan? Ginahasa mo ako kagabi?”
Natawa siya tapos umiling, “No, but you did.”
Ha?
Ano raw?
Hindi ko maintidihan. Bakit ko naman siya gagahasain? Hindi ko nga matiim-baga na hawakan ang lalaking ‘to, gahasain pa kaya? Hindi naman siya masyadong assuming.
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansaDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)