Patricia Marie S. Longworth's POV:
"Would you like a glass of wine Miss Patricia?"
I smiled and shook my head, "No I'm good thank you."
"I'd like one, please..." Biglang pumasok sa eksena si Kathie, mukhang hindi niya ako napansin.
Napangiti ako, "Ang laki mo na Kathie."
Nang marinig ang sinabi ko saka niya lang ako napansin. Pagkalingon niya, nanlaki kaagad ang kanyang mga mata. "Mi-Miss PM..." Ngumiti siya pero mabilis na iniwas ang kanyang tingin.
"It's Patricia not PM," I corrected. Tumayo ako't hinarap siya, "Kamusta ka na?"
"O-Okay lang naman po," Pansin kong napaliwa-liwaliw ang kanyang paningin. Odd, why is she acting like this?
Tinaas ko ang kilay, "What's wrong?"
Umiling siya saka uminom ng wine, "Wala naman po."
Bumuntong hininga ako't ngumiti, lumingon ako sa direksyon ng kapatid kong nakikipag-usap sa isang babae sa kabilang dako ng ballroom, "May problema ba kayo ni Jopet?"
For a second I saw her eyes widened pero mabilis siyang nakabawi, "Wala naman po."
Ngumiti ako. "Huwag kang magsinungaling sa 'kin. Kung may isang taong nakakakilala sa 'yo rito, ako 'yon. Now spill it."
Natahimik siya saglit saka diretsong nilagok ang wine, "Wala po talaga Miss-"
"Kathie just because I was gone for five years doesn't mean I'm a different person now that I'm back. Ako pa rin yong Patriciang nakakausap mo noon..." Hinarap ko siya, "Pansin kong hindi kayo nag-iimikan ni Jopet. Anyare sa inyo?"
She sighed. Apparently I did hit the mark. Tumingin siya sa 'kin then sa direkyson kung saan nakatayo ang kapatid ko, "Miss PM... no'ng nandun po ba kayo sa America-"
"Pinagdududahan mo ang kapatid ko?" Ngumiti ako ng loko.
Tumungo siya at tinitigan ang wine glass, "Hindi naman po sa gano'n."
Ngumiti ako't humalukipkip, "You know Kathie I have to be honest, no'ng nasa States pa kami, hinahabol ng mga babae si Jopet. Kasi hindi naman natin maide-deny na gwapo siya, mayaman, palakaibigan... the girls were crazy about him. They flock at parties hosted by my family for a chance to talk. But he never looked back at them and it puzzled me kasi kadalasan sa mga humahabol sa kanya, well, they're gorgeous... so I asked him why. Bakit wala siyang nagugustuhan ni isa sa mga babaeng 'yon. And you know what his answer is?" Inakbayan ko siya then ngumiti, "He said, 'May pinangakuan na ako sa Alinam ate. Babalikan ko pa 'yon.'."
Natahimik siya, despite the loud music and the chaotic environment, napansin ko talagang natulala siya sa narinig.
Lumapad ang ngiti ko, "I wonder kung sino 'yong pinangakuan niya." Bumitaw ako sa pagkaakbay at tinapik ang kanyang balikat, "Kausapin mo na siya. He's been frustrated for days and it's so annoying." Marahan ko siyang tinulak patungo sa direksyon ng kapatid ko. She stood there for a couple of seconds then dahan-dahang humakbang palapit kay Jopet.
I smiled as I watched her go. I crossed my arms after taking a glass wine from a waiter who walked past me.
"That was nice of you."
May lalaking biglang huminto sa gilid ko. Pagkalingon ko, nakita ko si Logan. My forehead creased as I internalized why this guy is talking to me because the last time I checked we're not in good terms.
"I know... I know you're confused," Sabi niya tapos uminom ng wine, "Nadala lang ako. I mean, siguro kung nakita mo ring nasa gano'ng sitwasyon ang Mom mo magagalit ka rin naman 'di ba? Look, I know sobrang laki ng kasalanan ng Mommy ko sa 'yo at hindi ko ide-deny 'yon pero hindi mo naman maiiaalis sa 'kin ang maging anak sa kanya."
BINABASA MO ANG
Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)
RomansaDahil sa hirap ng buhay, napilitan si Patricia Marie na tumayong fiancee ng isang lalaking hindi niya kilala. (Story is raw. Under editing.)