#2- Gerald Carl Namajeri

4K 153 5
                                    

Krisia's POV




Pagkatapos nang labanan kanina nanalo na kami nakapag dinner pa kami haha. Masama na kung masama pero Hindi pweding mabunyag ang secreto namin.



"Krisia, nalulunod ako! Krisia, tulong! TULONG h-hindi ako makahin--- ARAY BAKIT MO AKO BINATUKAN?" bago ba siya mag drama binatukan ko na siya.


"Anong trip mo?" Iritadong tanong ko.


"Ang lalim lalim nga iniisip mo, tinatanong ko kung paano ang gagawin natin sa mga Head Cutter ba 'yun? Ah basta tapos tumatango ka lang diyan. Tsk" Sigaw niya sakin.


"Wala! Kailan nga ba 'yung meeting namin ng fiancée ko?" Pag-iiba ko ng topic.




"Next week, Wednesday, 8:30 P.M. sa Hashito Hotel. Bakit kasi?" Tanong niya. Kahit kailan talaga pakialamera 'tong babaeng 'to.


"Wala lang." At bumalik na ako sa kwarto ko para makapag pahinga, Hindi natutulog ang mga ordinary vampire, pero ako na last pure blood vampire kailangan kong matulog.




Ang pagkakaiba ng pure blood vampire sa mga ordinary ay mas mabilis, at may tatlong secret abiloties, titigil ang pagtanda ko kapag 18 years old na ako pero ang mga OV (ordinary vampire) ay 21. Hindi ko pa natutuklasan ang mga abilities na 'gun pero kung nadito ang kapatid ko na si Kuya Callister, mas madali kung malalaman ang mga abilities ko.



Si Kuya Callister ay mas matanda sakin ng 8 taon, kaya dapat 25 na siya pero 5 years ago nagkaroon ng pagsabog sa bahay namin habang kasama ko sila Xyfer na lumabas at siya naman natutulog sa loob ng bahay. Napagalaman ko nalang na patay na siya nang pabalik na kami sa bahay pero walang nahanap na bangkay dahil kaming mga bampira ay magiging abo kapag namatay na kami. Kaya naitayo ang Night Knights para maipag higanti si Kuya Callister at nalaman namin na ang mga Soul Knights ang nag papatay kay Kuya dahil sa nakaaway niya ang dating Mafia boss ng Soul Knights.



Naligo na ako at nag ayos ng sarili, natutulog na sana ako kaso may tumawag sa phone ko, tinignan ko kung sino ang gagong tumawag pero unknown, sinagot ko nalang.





"Kailangan mo ng impormasiyon tungkol sa mga Soul Knights diba? Magkita tayo bukas ng gabi sa open field niyo ng 7:00 P.M. wag kang magsama ng kahit na sino, haha...!" Sabi niya sa kabilang linya.





"Sinong gago 'to?" Tanong ko.


"Nakalimutan mo na ako? Kanina lang nagkita tayo ah?" Ay! Si unggoy lang naman pala.



"Ah! 'Yung walang kwentang gago kanina? Naaalala nakita!" Sagot ko






"Good Night Princess. Hahahaha...." Pinatay niya na ang call kaya Hindi na ako naka react.






"Gago 'to! Binabaan ba ako ng phone? Tsk." Nilagay ko na sa study table ko ang phone ko at nahiga na sa higaan ko.






=======





Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay sa baba ng bahay. Bumaba na ako ng kwarto ko at nakita ko si Ian at Xyfer na nag ra-ramble at si Lea naman nag dru- drums. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko kung gaano kagulo ang buong salas.





That Gangster Is A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon