DISCLAIMER:
If you have read 'Husband For Rent', this story is about his son, Alexander. Yung anak po ni Jane at ni Jack sa story. Don't worry for the new readers, you can read this without reading HFR, this story has different plot. Nafeatured din ang character ni Alex dati sa isang chapter ng The Bad Boy's Club in which teammate ito ni Samuel sa soccer.***Formerly: Alexander The Heartbreaker
•••
Evangeline
by eurekaaPrologue
"Gie! Nasaan ka na ba? Pinapatawag ka na sa Student Affairs Office. Mainitin pa naman ang ulo nitong si Madam Castillo. Naku, baka sabunutan ka pa kapag late kang dumating," Sabi sa kin ni Nadine habang pinapark ko pa ng maayos ang motor ko. Kakarating ko pa lang kasi sa university dahil inaayos ko pa yung baon ni Sandy sa school nito.
"Nads, nasa school na ako. Papunta na ko 'dun. Papark ko lang 'to ng maayos ang motor ko." Sagot ko naman sa kaibigan ko. Naging kaibigan ko na kasi ito simula 'nung 2nd year college pa lang ako. Never ko ngang inexpect na magiging best friend ko siya sa kabila na mga kumakalat tungkol sa 'kin dito sa campus. Naging classmate ko kasi siya 'nung minsan kaming naging kaklase sa Trigo. After 'nun, we became friends. Civil Engineering kasi ang course niya samantalang ako, Architecture.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Nakaheadset kasi ako ngayon, "O sya, bilisan mo. Balitaan mo ko sa mangyayari. Ingat, Gie." Napangiti na lang ako sa huling sinabi niya.
Minsan talaga, parang mas matanda pa siyang umasta kaysa sa kin. Mas matanda kasi ako sa kanya ng 2 years.
Tinanggal ko kaagad ang suot kong helmet at isinabit ng maayos sa motor ko. Buti na lang talaga at napaayos ko ito. Noong first year college ko pa kasi nabili ito kaya medyo kinakalawang na.
Naglakad na ako papunta sa loob ng campus. As usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante--mostly girls. Tinatawan at nagsasalita ng kung anu-ano sa 'kin na parang nandidiri pa.
Umiling na lang ako. Minsan talaga wala ng ibang magawa ang iba kundi ang magchismis ng magchismis. I don't really bother that much kasi alam ko mismo sa sarili ko ang totoo. Besides, opinyon na nila iyon, ang sa 'kin lang, makapagtapos ako at mabigyan ko ng magandang buhay si Sandy.
"Evangeline, pwede ka ba tonight? My pals will be having some party at the club. Sige na, you'll enjoy it there." Napalingon naman ako at nakita si Jerry Almirez na nakangiti sa kin habang kasama tumawa-tawa pa ang mga teammate niya sa football. Nabalitaan kong captain na ito ng team nila. Of course, sikat kasi ito sa pagiging mayabang sa university namin.
"I'm sure that pussy is so good lalo't pa na imported." I just rolled my eyes with what he said. Talagang kasing napakabastos ng bibig nito. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit ako laging pinagdidiskitahan nito na marami namang nahuhumaling dito. Yes, he's handsome pero kabaliktaran naman ang ugali.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...