Chapter 22

20.8K 550 85
                                        

Typo errors are a lot.

Chapter 22

Five years later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Five years later...

"You'll finally have your official on-the-job training next week." Nakangiting sabi sa akin ni Mr. Summers nang bigla niya akong ipinatawag sa office niya.

Hindi ko naman maiwasang mapatili dahil sa saya sa narinig ko mula sa kanya. For so many years that had passed, I finally have my training para sa course kong Architecture. Ilang taon ko ring inaral ulit ang Archi sa Canada para lang makamit ko na rin ang trabahong pinapangarap ko noong bata pa ako. Sa wakas.

Kapag nasa training ka na ay garantiya na iyon na talagang gagraduate ka na sa kurso mo. Parang isang pass kasi ang pagkakaroon ng OJT na ang ibig sabihin ay malapit na talaga akong matapos sa degree ko. Even though twenty eight na ako, talagang tinapos ko ang nasimulan ko. There's never too late in education.

"Thank you so much, Mr. Summers! Thank you so much." I beamed. Natawa naman ito. Sa lahat kasi naging prof ko dito sa university ay si Mr. Summers ang pinakamabait at pinakaapproachable sa lahat ng mga estudyante. I could say he's one of a kind teacher.

"I'm really proud of you, Ms. Young. I really knew you had a potential in this field." He complimented. Mas lalo lang tuloy akong natutuwa sa mga sinasabi niya.

This is really the best day for me.

Finally, konting panahon na lang ay magiging ganap na architect na rin ako.

Matutupad ko na rin ang mga pangarap namin ni Sandy.

●●●

Tinanggal ko naman ang scarf ko nang dumating na ako sa apartment. Malapit na kasing magwinter sa Canada kaya bumababa na rin ang temperatura. I was even wearing a lot of clothes now.

Kumunot naman ang noo ko nang mapansing naka-on na ang ilaw sa may kusina. He didn't tell me he was here already.

Unting-unti ko namang nilapitan ang kusina at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa doon at nagluluto. He was only even wearing his boxers without any top - revealing his very sexy back to me.

Isang linggo rin kaming hindi nagkita.

"Oh my god, Greg?!" I squealed the moment I saw him. Nilingon naman ako nito.

Kaagad ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit, "Oh my god, I missed you." I said as I clung to him even more.

Naramdaman ko naman ang pagtawa nito - his chest moves while he laughs, "I missed you too, baby." He then kissed my forehead. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. Hindi ko talaga inexpect na makakauwi siya this week dahil alam kong busy ito sa trabaho nito.

"Akala ko hindi ka makakauwi this week." I said as he was still wrapping his arms around my hips.

"Suprise." He grinned cockily. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Minsan talaga ay napakaspontaneous ng mga ginagawa niya. Laging unpredictable.

I crossed my arms, "Baka mamaya umabsent ka lang sa trabaho mo kaya ka nandito." I jokingly uttered.

He suddenly kissed the tip of my nose, "I'm on leave. Napakiusapan ko ang airlines na bigyan ako ng leave kaya nandito ako. Miss ko na kasi ang baby damulag ko." Kumindat pa ito sa akin kaya naman nahampas ko siya sa balikat.

Si Tyron Greg Caldwell kasi ay isang airline pilot - actually his family owned a large shipping lines in Canada pero mas gusto kasi nitong magpiloto kaya sumuway ito sa kagustuhan ng mga magulang nito. As what he always told me, siya raw ang black sheep sa family niya.

It was already more than five years since it happened. Pagkatapos ng lahat na nangyari ay pumunta kami ni Sandy sa Japan dahil nakakuha ako ng trabaho doon - sa isang Japanese bar bilang singer. I even had to stop college dahil kailangan kong magtrabaho para sa amin ng anak ko.

Doon ko rin nakilala si Tyron Greg na gaya ko ay half-Canadian din. Taga-Canada ang ama nito at Pinay ang Ina - sa dugo pa lang ay talagang magkapareho kami. We have the same color of hair - blonde and the same color of eyes which is blue. Somehow, the only difference we had was that he spent his life mostly in Canada.

Marami talagang nangyari sa amin doon sa Japan hanggang sa napadpad ako dito sa Canada.

Greg and I have been together for two years already. Last year lang kami nagmove-in together and everything was really a bliss.

And I am really lucky dahil nakilala ko siya - despite of what happened to me in the past. When I told him everything about me - even my daughter - he accepted all of us wholeheartedly. Hindi niya kami hinusgahan.

Kahit hindi naging madali sa aming dalawa ang una naming pagkakilala - lalo na sa kanya ay hindi niya ako iniwan. Kahit noon ay lagi ko siyang pinagtatabuyan ay pinagtiyatiyagaan pa rin niya ako. Hindi siya sumuko sa akin.

At dahil doon, hindi ko inaasahan na magmamahal akong muli.

Ang swerte ko talaga kay Greg.

At mahal na mahal ko siya.

Kontento na ako sa kung ano mang meron sa amin ngayon.

"Makadamulag ka! Mas matanda ka sa 'kin ng isang taon," I rolled my eyes as I went to the kitchen counter to see what he was cooking. I would really admit na magaling talagang magluto si Greg - I even think he's a better cook than me.

He would really always be the one who would cook for us kapag nandito siya sa apartment - kahit talaga kasing sobrang busy nito sa trabaho ay lagi itong may nilalaan na oras sa akin. Twice o minsan once a week lang kasi kami nagkakasama at akala ko nga ay hindi siya makakauwi this week dahil maraming flight ang inassign sa kanya ng airline company director.

Because of it, I would really miss him everyday.

"I cooked your favorite, spaghetti. Akala ko nga mamaya ka pa. Ang aga namang natapos ng class mo?" Nilingon ko naman siya at nakitang nakakunot noo na. I giggled. He's really cute when he does it.

And he has been really supportive to me towards the career that I'm going to have.

"I'm finally going to have my training!" I beamed into him.

Nagulat naman ito sa sinabi ko at maya-maya'y sumilay sa mukha nito ang pagkagalak dahil sa narinig, "Shit! Damn it, babe! I'm so proud of you." Napayakap naman muli ito sa akin. He then showered me with kisses in my face. Mas natutuwa pa talaga siya kesa sa 'kin.

He quickly gave me a peck on my lips, "I really know you can do it. I'm really so proud of you." He told me lovingly. Even until now, he still let me feel giddy towards him.

Ngumiti naman ako sa kanya. I wrapped my arms around his neck, "Thank you for supporting me too." I really appreciate all his efforts to me and his patience towards me especially on how I deal some things. Siguro, para sa akin ay siya na ang pinaka-the-best boyfriend sa buong mundo.

"Kailan ka magsisimula?" He asked.

Ngumiti naman ako lalo nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Mr. Summers kanina.

"Sabi ni Mr. Summers sa akin, sa Pilipinas daw ako magtetraining. I'm really looking forward for it, Greg. Ilang taon din akong hindi na nakabalik doon. Magkikita na rin kami ng pinsan ko." I answered him cheerfully.

Sabi sa akin ni Mr. Summers ay next week, magsisimula na ako sa training ko. I didn't really expect na i-aassign akong magtetrain sa Pilipinas. Ilang taon din akong hindi nakabalik doon magmula 'nung mangyari ss akin ang lahat ng iyon.

Muli ay hinagkan niya ako sa mga labi ko, "I'm really happy for you, Evangeline."

I smiled.

I'm really looking forward to it.



//

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon