Typo errors are a lot.
Chapter 27
Inayos ko naman ang suot kong jacket nang matapos kong ilock ang apartment ko. Umaambon at talagang madilim na ang paligid dahil sa paparating na malakas na bagyo sa Japan. Bukas na kasi ito tatama at puspusan na rin ang paghahanda ng bawat taong nandoon.
Wala rin akong trabaho mamayang gabi sa bar ni Shiba-san. Ipinasara kasi ng gobyerno ng Japan ang lahat ng building sa buong bansa. Ilang araw kasing mananatili ang bagyo.
I walked fast in going to the convenient store. Wala na kasi akong stock sa ref ko. Pero hindi ko alam... siguro gusto ko munang lumabas para makahinga. O hayaan na lang ang sarili kong magutom at mamatay para makasama ko na rin ang anak ko.
"Arigato gozaimasu." Tinanguan ko lang ang babae sa register matapos akong makabili ng tubig at iilang cup noodles. I gave her a tight smile before going out to the store.
"Shit!" I cursed when I suddenly bumped into someone. Napaangat naman ang ulo ko at nakita sa harapan ko ang isang pamilyar na lalake.
Mukhang nagulat din itong makita ako, "Evangeline?"
Ito 'yung weirdong Pinoy na foreigner na nakilala ko kagabi sa bar.
I don't even remember his name.
Hindi ko siya pinansin at inirapan lang. Wala akong oras sa mga kalokohan niya.
Nilagpasan ko siya at kaagad lumabas sa convenient store. Kailangan ko pang makabalik sa apartment ko dahil lumalakas na ang hangin at halatang ilang minuto na lang ay babagsak na ang ulan.
Pero nang nasa gitna na ako ng daan papatuwid sa kabila ay naestatwa ako nang makita ang isang paparating na sasakyan papunta ngayon sa akin.
Napapikit na lang ako.
Ito na ba ang katapusan ko?
Bigla namang may humatak sa akin at napasubsob ang mukha ko sa isang matipunong dibdib, "Magpapakamatay ka ba?!" I heard somebody hissing at me.
Naimulat ko naman ang mga mata ko at nakita 'yung Pinoy na foreigner kanina. He looked mad.
Kumunot din naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang pakialam niya? Ni hindi ko naman siya kilala at buhay ko ito!
"Bitawan mo nga ako!" I gritted my teeth as I tried myself getting off from his grip, "Sino ka ba?! Bakit mo ba ako pinapakialaman?" Naiinis na talaga ako sa lalakeng ito.
"Oh, I'm Tyron Greg Caldwell if you've forgotten it already," His voice was being sarcastic, "But you, Miss, is such a pain in the ass. Kagabi sa bar ay ganito ka rin. What were you thinking?"
Tinulak ko naman siya kaya naman nabitawan na niya ako, "You don't know me so fuck off!" I said rudely as I walked out from him. Ano bang gusto niyang iparating? Ni hindi nga niya alam kung anong pinagdaanan ko sa buhay. Why can't just people mind their own businesses?
Mabilis akong naglakad papunta sa apartment ko. I immediately locked the door when I arrived. Huminga naman ako ng malalim. Sana talaga hindi ko na masalamuha ulit ang nakakainis na lalakeng iyon.
Pumunta naman ako sa kusina.
"Shit." I muttered to myself when I realized I don't have anymore the water and noodles that I bought earlier. Mukhang nabitawan ko doon sa daan at kasalanan ng lalakeng iyon.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
JugendliteraturFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
