Chapter 18

23.6K 589 33
                                        


Typo errors are a lot.

DISCLAIMER:
Samuel Ignacio Rivera III from The Bad Boy's Club story will have a cameo role in this chap. The scene is also found in TBBC's Chapter 44.

Chapter 18




"Kuya Robert!" Tawag ko kay Kuya Robert nang makita ko siya sa labas ng private room kung saan inilipat si Sandy. Ang sabi kasi sa akin ni Nikko, pinalipat na raw sila ng doktor sa isang normal na room mula sa ICU.

Nang binalitaan ako ng pinsan ko na gising na gising na ang anak ko ay kaagad akong umalis sa probinsya para pumunta sa ospital. Hindi ko na alam kung anong nangyari na doon sa bahay dahil sabik na sabik na akong muling mayakap at mahagkan ulit ang anak ko.

Gising na gising na siya.

"Ikaw kaagad ang unang hinanap niya, Evangel," Ngumiti naman sa akin si Kuya Robert, "Miss na miss ka na ng anak mo."

Hindi ko naman maiwasang maiyak sa sinabi niya, "Salamat talaga, Kuya." Napansin naman niya si Alexander Luis na kasama ko rin sa pagpunta doon. Alex didn't leave when I learned my daughter was now awake. Gaya ko ay masaya rin itong nagising ang anak ko.

And because of it, I just love my Alex more. I don't know. I can't contain too much happiness in me. Alex accepted me despite of having an excess baggage.

"Magpapaliwanag ako mamaya, Kuya." I giggled as I went inside the room. Tinanguan lang din siya ni Alex at sumunod sa akin sa loob.

Nakita ko naman ang anak ko na nakaupo sa hospital bed nito habang masayang nakikipag-usap sa pinsan ko.

Hindi ko tuloy maiwasang maiyak nang makitang gising na gising na talaga ang anak ko. Halos isang buwan din kaming naghintay sa kanya na magising.

"Anak!" Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit, "Miss na miss na kita, baby." Sabi ko habang umiiyak. Ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Humagikgik naman ito, "Miss na rin kita, Nanay! Namimiss ko na po ang mga luto ninyo." Napabitaw naman ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko kaagad ang magkabilang pisngi ni Sandy. Aminado akong medyo pumayat siya.

Ngumiti naman ako, "Oo. Kaya kailangang mabilis ang paggaling mo, ha? Para matikman mo na rin ulit ang spaghetti ni Nanay," Muli naman akong napaiyak. Ang sobrang saya ko ng dinulog na rin ang Diyos ang araw-araw na panalangin ko, "Mahal na mahal kita, anak. Tandaan mo, ha? Mahal na mahal ka ni Nanay."

Tumawa naman itong muli. Miss na miss na talaga niya ang boses nito. Gaya rin niya, medyo blonde din ang buhok nito at asul ang mga mata. Sumisingkit pa ang mata nito tuwing tumatawa.

"I love you, Nanay! Miss na miss ko na rin po ang school!" Niyakap naman siya nitong muli.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Alex sa balikat ko. Napalingon naman ako sa likod niya at ningitian siya. I am really so happy - kasi ngayon, kasama ko ang dalawang mahal ko sa buhay.

"Nanay, s-sino siya?" Naguguluhang tanong naman ng anak ko nang mapansin si Alex. Maya-maya ay napansin ko naman ang pamumungay ng mga mata niya. She suddenly squealed, "Nanay, siya na ba ang totoong Tatay ko?" Excited pa nitong sabi sa akin.

Parehas naman kaming natawa ni Alex sa sinabi nito. Nilapitan naman ni Alex si Sandy at hinawakan ang dalawang kamay nito, "Sandy, kahit hindi man ako ang totoong Tatay mo, pwede mo pa rin akong maging Tatay. Ako na lang ang bagong Tatay mo. Tatay Alex. Kaya ngayon ay dalawa na kami ng Nanay mong mag-aalaga sayo."

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon