Typo errors are a lot.
Chapter 10
"Evangel! Huwag ka ngang malikot!" Sita ni Mama sa akin habang naglalabada ito kina Ma'am Lana at Sir Chace ulit.
Hindi ko naman siya pinangkinggan at ipinagpatuloy lang ang paglibot sa buong bahay ng mga Torres. Wala kasi doon sila Kuya Etienne dahil sumama ito kina Sir Chace at Ma'am Lana. Kaming mga katulong lang ang naiwan sa malaking bahay nila.
Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa bahay nila. Eh kasi 'yung sa 'min, parang CR lang nila.
Nang papalabas na sana ako para pumunta sa garden ay napahinto ako ng may nakita akong isang batang lalake na nakatayo habang nakatalikod sa akin.
Namumukhaan ko siya.
"Hoy batang bastos!" Tinawag ko siya kaya naman napalingon ito sa akin. Naalala ko na ito 'yung nakakita sa panty ko dati.
Kumunot naman ang noo nito sa akin. Pansin ko naman ay namumula ang pisngi nito na parang umiiyak pa.
"Sino ka?" Masungit na tanong nito sa akin.
Tinaasan ko rin siya ng kilay, "Ako si Evangeline."
Mas lalo namang kumunot ang noo nito, "Yung batang kita panty! Batang gusgusin." Maya-maya'y ngumiti pa ito ng mapang-asar.
"H-Hindi ako gusgusin! Baka ikaw, bata!" Sabi ko naman dito at inirapan.
"Saka anong ginagawa mo rito? Wala naman sina Kuya Etienne dahil sumama ito kina Ma'am Lana." Minsan kasi, nadadatnan ko siyang naglalaro sa bahay kasama sina Kuya Etienne at ng mga kapatid niya. Sa pagkakaalala ko, Alexander ang pangalan niya.
"W-Wala! Bakit? Bawal ba? Hindi naman sayo itong bahay. Batang gusgusin." Inaasar na naman niya ako.
Ningusuan ko naman siya, "Hindi mo rin namam bahay ito. Saka, bakit ka umiiyak?" Tanong ko pa sa kanya dahil namumula talaga ang pisngi nito.
"H-Hindi ako umiiyak. N-Napuwing lang ako." Anito sa akin at nag-iwas ng tingin.
Halata kaya na umiiyak siya kasi namumula siya.
Nilapitan ko naman siya.
"Sabi ni Mama sa akin, okay lang daw umiyak. Kasi kapag umiyak ka daw, gagaan ang loob mo." Sabi ko sa kanya.
"H-Hindi nga ako umiiyak." Pagtanggi pa rin nito at tumingin sa ibang direksiyon.
"Oh, ito," Inabot ko naman sa kanya ang pink towel ko, "Iiyak mo na lang diyan." Tinanggap naman nito ang towel ko.
"Ilang taon ka na?" Tanong nito sa akin.
"Eight." Simpleng sagot ko, "Ikaw?"
"Nine."
"Evangeline? Nasaan ka na ba? Itong batang 'to!" Naririnig kong sigaw ni Mama sa loob.
"Kailangan ko na palang umalis, bata. Hinahanap na kasi ako ni Mama." Kaagad naman akong tumalikod at humakbang.
"Evangeline."
Nilingon ko naman siya nang tinawag niya ako ng bata.
"S-Salamat."
●●●
"Evie."
Hindi naman ako umimik at nakatulala lang sa bintana ng kotse ni Alexander Luis. Nakasandal lang ang ulo ko sa windshield habang nakatingin sa labas. Suot ko rin ang ang itim na poloshirt niya dahil sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Roman pour AdolescentsFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
