Epilogue

42.1K 819 365
                                    


Typo errors are a lot.

Epilogue



"Mama!!"

"Oh, anak," Kaagad namang nilapitan ni Kara Luisa Asenjo ang Mama Yna niya pagkatapos niyang umahon sa pool. Buti na lang at hindi ganun kalalim ang pool nila sa bahay nang mahulog siya. Basa na tuloy ang suot niyang asul na bestida.

"Anong nangyari? Bakit ang basa mo?" Tanong ng Mama niya sa kanya. Nagpapadyak na naiinis niyang tinuro si Roxton Caldwell na nakangising nakatingin ngayon sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod na ito at pumunta kung saan naroroon at nagkukwentuhan ang mga ama nilang sina Alexander at Greg.

"Siya, Mama! Tinulak niya ako! Paalisin niyo siya dito, Mama! I don't like him!" Namumula na siya dahil sa inis. Dumaan naman si Evangeline sa gilid nila habang hawak-hawak ang isang tray na naglalaman ng mga barbeque na niluto nila.

Every Christmas break kasi ay umuuwi galing Canada ang mga Caldwell sa Pilipinas. Evangeline and Greg would spend their Christmas with their relatives in Phil as well as with their friends.

Naging malapit din kasi ang mga Asenjo at mga Caldwell kaya tuwing Pasko ay nagkakaroon sila ng Barbeque party sa bahay ng mga ito sa Pinas.

"Oh, Kara, anong nangyari?" Tanong naman ni Evangeline nang makita ang bunsong anak ni Yna na nakasimangot. Both her and Alexander have two daughters, Gillian Jane, 14 and Kara Luisa, 10.

"Tita, tinulak ako ni Roxton!" Sumbong niya. Palihim naman siyang ngumisi. Alam kasi niyang papagalitan ito ng Tita Evie niya.

"Pasensyahan mo na, Kara, ha? Ako ng bahala sa kanya." Ani ni Evangeline dito at kaagad pumunta sa kinaroroonan nina Greg. Nandoon din ang tatlo niyang anak na sina Roxton, her eldest, Reid at Emilia, her only girl and the youngest.

"Rox." Tawag niya sa anak na lalake matapos ilagay ang mga barbeque sa mesa.

"Nay," Nilapitan naman kaagad ni Rox ang Nanay niya at tinulungan ito sa pag-aayos sa mga pagkain.

"Bakit mo tinulak si Kara? Ang tanda-tanda mo na, Roxton. Pinapatulan mo pa siya." Sermon ni Evangeline sa anak. Sa tuwing bumibisita sila doon, laging nag-aaway ang dalawa.

Sumimangot naman si Roxton sa sinabi nito, "She's a brat. Nakakaasar kasi ang ugali niya."

"Pabayaan mo na. Elementary pa lang naman. You're five years older than her. Ganun naman talaga kasi bata pa." His mother reasoned out.

"Magsorry ka doon sa bata, Roxton. Sige na, puntahan mo tapos magsorry ka."

Napabuntong-hininga na lang si Rox sa sinabi nito. Ewan ba niya kung bakit napakaspoiled brat ng batang iyon. Hindi naman spoiled si Gillian. Kahit silang magkakapatid ay hindi spinospoil ng mga magulang nila though sometimes, his thirteen year old younger brother, Reid is stubborn.

"Ate Gilly!" Kaagad namang nilapitan ni Kara ang nakakatandang kapatid na may dala-dalang mga drinks.

"I don't like your boyfriend! Ayoko si Roxton para sayo! Masama siya, Ate!" Reklamo ni Kara sa Ate niya. Kahit naman kasing hindi sabihin ng dalawa ay alam niyang boyfriend ng Ate niya ang anak ng Tita Evie niya. But her sister and Rox made their relationship in discreet. None of their parents knew about their relationship.

At aksidente lang ding malaman ni Kara ang tungkol sa kanila. Nakita niya kasing nagskaskype ang dalawa kapag nasa Canada na sina Roxton tapos nag-a-I-love-you ang dalawa sa isa't-isa.

Mukha namang nagulat ang Ate niya sa sinabi niya rito, "Kara, sshh. Hinaan mo boses mo."

"Ate kasi! I hate him so much! Tinulak niya ako sa pool! Don't love him, Ate! Ayoko sa kanya." Pagmamaktol niya. Inis na inis na talaga siya sa pangit na Roxton na iyon.

"Gillian." Parehas naman silang napalingon at nakita si Roxton.

"Rox, inaaway mo na naman ang kapatid ko. Ano na naman kasi ginawa mo?" Kara smirked. Alam niyang nasa side niya ang Ate Gilly niya.

"Her attitude is annoying, Gillian. Napakaspoiled brat."

"Roxton, magsorry ka na lang. Alam mo namang bata pa, sige na. Tapos ikaw, Kara Luisa, magpalit ka na ng damit. Sumunod na kayo doon dahil kakain na rin tayo." Iniwan naman silang dalawa ng Ate niya.

Kara grinned slyly and crossed her arms, "Oh, magsorry ka na, pangit."

Ngumisi din naman sa kanya si Roxton at kumunot naman ang noo ni Kara nang itinaas nito ang kamay nito - giving her the middle finger. He even mouthed her 'fuck yourself'. Pagkatapos ay nakapamulsa itong umalis at iniwan siya.

She really hates him to the core!

●●●

"Roxton, hijo, ano bang gusto mong kunin 'pag dating mo sa college? Malapit ka ng magcollege, diba?" Tanong ni Yna kay Roxton nang magsimula na silang lahat kumain. Ganun kasi ang ginagawa nila, nagkukwentuhan sila habang kinakain ang mga niluto nilang mga barbeque. It has always been their families' tradition and bonding.

Napatingin naman si Roxton kay Gillian na nakaupo sa harap niya, "Uhm..."

"Diba, anak, gusto mong pumasok sa Canadian Armed Forces? You told me before." Sumabat naman si Greg. But Roxton's eyes were just pierced into Gillian's. Si Gillian naman ay medyo nagulat din sa sinabi ng Tito Greg niya.

"Hindi pa naman ako sigurado, Tay... Baka dito na lang din ako sa Pilipinas mag-aaral." Rox answered quickly. He already planned recently to study in the Philippines para tuluyan na silang magkakasama ni Gillian.

"Papa, ano 'yung armed forces?" Sumabat naman si Kara at tinanong ang Papa Xander niya.

Ningitian naman ni Alexander ang anak, "Sundalo, baby. Ang Kuya Rox mo ay gustong maging sundalo sa Canada."

"H-Hindi pa naman sigurado,Tito." Rox muttered awkwardly.

"Sige, magsundalo ka na lang para mamatay ka kaagad." Kara smirked.

"Kara!" Pinandilatan naman si Kara ng Mama Yna niya.

Everybody then just laughed.

"Pasensyahan mo na lang, Yna, Kara is just joking. Alam mo naman ang dalawang 'to, palaging nag-aaway." Evangeline just giggled. Ngumuso lang si Kara at ipinagpatuloy ang pagkain niya.

Nagkukwentuhan lang silang lahat. All of them really enjoyed each other's company.

Kahit marami man ang nangyari sa kani-kanilang buhay noon, at least now, everything is fine. All of them are happy with their own families.

May mga bagay talagang pinagtagpo lang ngunit hindi itinadhana.

But maybe... in the next generation, it will be now meant-to-be.




THE END

//

Thank you very much. God bless everyone!

Jack and Cheska story (Alex's parents):
- Husband for Rent

--

All Rights Reserved.
Copyright (c) September 18, 2016 by Eurekaa.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon