Chapter 24

20K 555 44
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 24



"N-Nanay..." Nagising naman ako nang marinig ko ang boses ng anak ko. Nandito kasi kami ngayon sa ospital na malapit sa Tokyo, Japan. Maraming mga wires at tubes ang nakakonekta ngayon sa katawan ni Sandy at dahil doon, nahihirapan itong gumalaw.

Naiiyak naman akong hinawakan ang kamay ng anak ko. Alam kong hirap na hirap na siya. Kung pwede ko lang ibigay ko ang buhay ko para sa kanya ay  gagawin ko kaagad. Mas mabuti ng ako ang nagkasakit kesa sa anak kong napakabata pa.

Lumala na ang cancer ni Sandy. Oo, alam ko noon pa man, kahit 'nung nandoon pa kami sa Pilipinas ay delikado ang sakit niya. Acute Myeloblastic Leukemia is very fatal especially to kids - maagang namamatay ang mga pasyente sa musmos na edad pa lamang. It was even a miracle that Sandy still lived into this age - she is 8 years old already.

Sabi sa akin ng doktor, hindi na nagrerespond si Sandy sa mga gamot na ibinibigay nila. Her cancer was in terminal stage. Nahihirapan na ang mga doktor na sugpuin ang mga cancer cells niya sa katawan - at kapag daw sumobra ang pagbibigay nila ng gamot ay makakasama naman iyon sa maliit na katawan niya. Mas lalo lang daw siya mahihirapan at mas masakit daw ang mga side effects nito sa katawan. Baka hindi daw niya kayanin. Chemotherapy was no use anymore.

"N-Nanay... P-Pagod n-na ako..." Nahihirapang sabi sa akin ng anak ko. Napaiyak naman ako sa sinabi niya. Halos isang buwan na kami dito sa ospital at hindi na bumubuti ang kondisyon niya.

Marami akong mga trabaho na pinapasukan para maipagamot lang siya. Para gumaling siya, para matustusan ko ang pampaospital niya.

Pero huli na ang lahat.

Hirap na hirap na siya. Hirap na hirap na ang anak ko.

"Anak, kakayanin natin 'to. Lalaban pa tayo, anak. Hindi mo iiwan si Nanay, diba? Anak... K-Kakayanin natin ito." Umiiyak ako habang sinasabi iyon sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakahiga na kaming dalawa ngayon sa hospital bed niya.

Napansin ko naman ang pagpikit ng mga mata niya. Narinig kong tumunog ang heart rate monitor - signifying that the line was already flat.

"Anak... Mahal na mahal ka ni Nanay. Tandaan mo, anak, mahal na mahal ka ni Nanay." Napahagulhol naman ako. Bakit siya? Bakit kailangan nilang kunin sa akin ang anak ko?

"Sandy... Huwag mong iiwan si Nanay, hindi ko kaya. Anak... Please lumaban ka pa. Anak.... Huwag mo 'kong iwan... Hindi ko kaya... Hindi ko kaya..." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa anak ko at mas lalong umiyak.

Hindi ako pwedeng iwan ng anak ko.

Mamamatay ako.

Bigla namang nagsidatingan ang doktor at ang nurse. Nilapitan nila kami. The doctor immediately checked my daughter while I was still crying and hugging her so tight.

"I'm sorry..." Tanging narinig ko mula sa doktor.

Sa buong buhay ko ay wala akong hinangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang anak ko - ang maipagamot ko siya sa magaling na espesyalista.

Pero kulang. Hindi ko nagawa.

Napakawalang-kwenta kong ina.

Anak, hindi ko kaya kapag wala ka.

Mamamatay ako, anak.

●●●

"A-Alex..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. For more than five years ay ngayon lang kami nagkita ulit. I didn't even hear any news about him. Wala na akong balita kung ano ng nangyari sa kanya nitong mga nagdaang taon. He looked different. He looked more mature now. His body even looked bulkier - I also noticed some stubbles around his face.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon