Chapter 29

20.9K 556 90
                                        

Typo errors are a lot.

Chapter 29


Binuksan ko naman kaagad pinto nang makarating na ako sa unit. Pasado alas-onse na kasi ng gabi akong nakauwi magmula 'nung insidente sa field. I sighed as I switched on the lights.

"G-Greg?" Kaagad ko namang dinaluhan si Greg nang makita ko siyang nakasalampak sa sofa ng living room. He looked stressed. Hindi rin maayos ang itsura nito ngayon. Ni hindi rin nito natapos sa pagtanggal sa mga butones ng suot nitong uniform. And I also smelled alcohol from him.

I cupped his face, "Greg." I called him. Buong akala ko ay ala-una pa ng umaga siya makakauwi. He really looked worn out.

Nagising naman ito, "E-Evangeline?" Mukha pa itong nagulat nang makita ako.

"Ano bang nangyari? Bakit ka naglasing?" I asked him worriedly. May nakita pa akong mga bote ng beer na nagkalat sa center table. Kung ganoon ay kanina pa pala itong umiinom.

Hinawakan din naman nito ang kabilang pisngi ko, "W-Why are you here? Dapat wala ka dito... Hindi ka na masaya sa 'kin, Evangeline. You shouldn't be here. You shouldn't be with me. This is not your home."

Medyo nagulat naman ako sa sunod-sunod na sinabi niya. Alam kong lasing siya pero damang-dama ko pa rin ang sakit sa bawat salitang binibigkas niya.

"Greg," I breathed hard, "You are my home. You'll always be my home."

Bigla naman itong tumawa sa sinabi ko - it was bitter. Sarcastic.

"Please... Evangeline, stop hurting me. You don't love me... Napilitan ka lang. Naawa ka lang sa akin... Hindi ako ang totoong mahal mo." Ngumiti na naman siya na hindi abot sa tenga.

"Greg... No, you don't understand..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ayokong nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin. Alam kong hirap na hirap na siya.

"Mahal kita, Evangeline. Mahal na mahal," I saw a teardrop from his eyes, his pain was visible, "At gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka. Ayokong nakikita kitang nalulungkot, Evangeline kasi nasasaktan din ako. Kahit ako lang ang masaktan, wala akong pakialam kasi ganun kita mahal. I love you so much. I love you more than life itself."

Tuluyan na nga akong napaiyak sa mga sinasabi sa akin ni Greg.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan. Kung bakit kami nagkakaganito. Kung bakit nagkakagulo.

"I saw you with Alexander earlier," He was still smiling, "And I saw the way you looked at him... It was different."

Mas lalo naman akong napaiyak sa sinabi niya.

"I'm so sorry, Greg... Sorry... Ayokong masaktan ka... Sorry." I cried while apologizing to him. For all those years we've been together, wala siyang ginawa kundi intindihin at suportahan ako. Hindi niya ako iniwan kahit palagi ko siyang tinataboy noon.

Tinanggap niya kung sino ako. Tinanggap niya ang lahat ng mula sa akin.

At kahit isang beses ay hindi niya ako sinaktan.

Minahal niya ako. Minahal niya ako ng higit pa sa buhay niya.

"Gusto ko maging masaya ka, Evangeline..." He said softly while cupping my face. He was wiping my tears through his fingers, "Your happiness is my happiness."

"Greg..." I can't stop my tears from falling. Nasasaktan din ako. Nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya sa akin.

"If you want to leave me... Do it. I'm letting you go, Evangeline. I'm setting you free." Then he suddenly hugged me. Mas lalo lang akong umiyak sa mga bisig niya.

Bakit kailangang maging kumplikado ang lahat ng sa amin?

"I love you, Evangeline. You'll always be in my heart." He whispered as I felt him kissing me at top of my head.

I'm so sorry, Greg.

●●●

"Eve." Napaayos naman ako ng upo nang dumating na rin si Yna. Nasa isang restaurant kasi kaming dalawa. Bigla kasi itong nagtext na gusto nitong makipagkita sa akin and I agreed. Wala kasi akong trabaho sa araw na iyon dahil Sabado.

Gaya rin 'noong isang araw ay hindi ko na naman naabutan si Greg. He went to his work early again. Iniiwasan na naman niya ako ulit. After all the things he had said to me, he became distant to me. Nararamdaman kong unting-unti na siyang lumalayo sa akin.

"Y-Yna." I said reluctantly. I feel guilty whenever I have to look at her. Kasi alam ko... kasalanan ko ang lahat kung bakit ito nangyayari ngayon sa amin.

Magmula rin 'nung insidente na nangyari sa foundation party ay hindi ko na nakikita si Yna na bumibisita sa firm. Hindi ko na rin siya nakausap magmula 'nun. And just like Greg, she has also been avoiding everyone.

Bigla naman itong ngumiti. Pero alam kong may iba sa mga ngiting ibinibigay niya sa akin.

Yna has always been good to me. She is always kind and cheerful. Naging kaibigan ko rin siya sa halos isang buwan kong pananatili sa firm. She was always been a good friend to me.

"Alam ko... Alam kong noon pa man ay may nakaraan kayo ni Xander," She started, "I already know you even before I met in you in person. Lagi kang kinukwento ni Xander sa akin bago pa man maging kami... And I know, the way he talks about you, talagang mahal ka niya."

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Alam kong nasasaktan din siya.

But I don't know what to say...

"Yna... "

May tumulo namang luha mula rito at kaagad din nitong pinahid, she then forced a laugh. But I could feel her pain, "Hindi ko inexpect na mamahalin din ako ni Xander... I never expected anything from him. When he was so down with his life because of what happened between the two of you, between him and his family, I was there. I tried to help him to get up and pick up the pieces of his life... and it wasn't easy, Eve. He was worst. He was worst of all the guys that I met. Pero hindi ko siya sinukuan... I tried my best kasi kahit ganun siya, alam kong may puso pa rin siya. I know he's still capable of loving."

"Ang gusto ko lang ay bumalik ulit ang kasiyahan sa mga mata niya. Gusto kong maging masaya siya sa ulit gaya noong kasama ka pa niya. And he did. He came back again to himself, Eve. And he even... he even told me that he loves me. That I was the reason of what he has become now..."

Napaiyak din ako sa mga sinabi niya sa akin. Alam kong nasasaktan na namin sila, silang dalawa ni Greg.

"'Nung makita ko kayong dalawa sa party, alam kong... ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang mahal niya. Ang pagmamahal niya sa akin ay hindi gaya ng pagmamahal niya sayo... He still loves you, Evangeline... And he's doing everything to get you back." She then gave me a tight smile.

"Yna," I finally cried. I feel guilty. They've been enduring the pain that we caused too much, "Sorry... Patawarin mo 'ko... Sorry, Yna."

Bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko, "Wala kang kasalanan, Eve. Parehas lang tayo... Parehas lang tayong nagmahal. Wala kang kasalanan. Alam kong noon pa man ay darating ang araw na magkikita kayo ulit... at maaaring iwan niya ako. Tanggap ko iyon... kasi mahal ko siya. Mahal ko si Xander. If you still both love each other, hindi ako magiging hadlang sa inyo... kasi ang gusto ko lang ay maging masaya siya. Gusto kong maging totoong masaya na siya at hindi iyon sa piling ko kundi sayo. He still loves you so much. And I'm willing to sacrifice, Evangeline."

"Kahit masakit... magpaparaya ako."

"Yna, I'm sorry..." Nag-iyakan na kaming dalawa ngayon. Yna has been always kind to me and I feel ashamed. I was hurting her. Nasasaktan ko siya na walang ginawa kundi suportahan at mahalin si Alex.

"Please make him happy for me, Eve. Make him happy. Don't hurt yourselves anymore."

I cried. She suddenly hugged me.

Ayokong makasakit.

I'm so sorry...


//


Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon