Typo errors are a lot.
Chapter 28
"He was your ex... your first love, right?"
Hindi naman kaagad ako nakasagot sa sinabi ni Greg sa akin. He was just staring at me - with hurt on his eyes. Hinihintay nito ang sagot ko.
What would I tell him?
Greg has been with me in my crucial years of life. Hindi niya ako iniwanan. Tinulungan niya akong ayusin ang mga pira-piraso ng buhay ko. He has been patient with me even though I always give him a hard time to understand me. He never judged me. Minahal niya ako ng walang kondisyon. He loves me with all his heart not thinking about himself. He has always been selfless towards me.
Pero ngayon, dahil sa akin, nasasaktan ko na siya.
"Evangeline..." He called my name again. Gusto kong umiyak habang nakatitig sa mga mata niya. Ayoko siyang saktan. Mahal na mahal ko siya.
I nodded. A tear then escaped from my eye. Yumuko ako. Ayokong makita siyang nasasaktan sa akin.
Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang kamay niya sa pisngi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Pero hindi 'yun abot sa mga mata niya. I know that he was hurt. Pero hindi niya ipinapakita sa akin.
"Remember... what I told you," He started while still boring his eyes into me, "Na gagawin ko ang lahat upang maging masaya ka? Kasi... ganun kita kamahal."
"Have you really finally moved on?"
Nagulat naman ako sa tinanong niya. Hindi ako makasagot kaagad. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
Tuluyan ko na nga bang kinalimutan ang lahat ng sa amin ni Alex?
Did I really finally move on with what we had in the past?
"Greg..." I don't know what to answer. Masyadong magulo. Kumplikado.
"I love you." Sabi na lang nito sa akin at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay bigla itong tumayo at iniwan ako doon.
Mas lalo naman akong napaiyak.
Ayoko siyang masaktan.
●●●
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa building ng JA firm. Maaga kasi akong pumunta doon. And because of what had happened last night, I wasn't really comfortable to go inside.
Kaninang umaga ay hindi ko na naabutan si Greg. Maaga siyang umalis at alam kong kasalanan ko iyon. Every morning, we always have our breakfast together - but now, it was different. Iniiwasan niya ako.
Kagabi rin ay hindi siya tumabi sa akin sa kama. He slept on the living room and has not been attempting to talk to me. He has been avoiding me since that the talk we had last night.
Pumunta naman kaagad ako sa department ko. People around me have been eyeing me suspiciously. Alam ko kasing kalat na siguro sa buong building ang tungkol sa nangyari sa amin. May iba ngang nagbubulung-bulungan pa tungkol sa amin. We are now the subjects of their gossips.
Pumunta na ako sa cubicle ko sa department at iniligay doon ang bag ko. I sat and sighed. Ngayong araw ay kailangan kong sumama sa mga project architects ng firm kung saan ay oobsernahan ko ang gagawin nila sa mga proyektong hinahandle nila. I'll be going outside the firm.
"So 'yung intern saka si Sir Asenjo ay may past?"
"Oo. Sa pagkakaalam ko ay mag-ex sila at hindi naman daw nagbreak. Narinig ko ngang in love pa si Sir Asenjo 'dun sa babae eh."
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
