Chapter 20

21.8K 581 45
                                        

Typo errors are a lot.

Typo errors are a lot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 20




"Nanay, babalik po ba si Tatay?" Tanong sa akin ni Sandy habang katabi ito sa kama. Pasado alas-diyes na kasi sa gabi at parehas pa rin kaming dalawa na gising. Pinapatulog ko kasi siya pero minu-minuto naman akong tinatanong ng anak ko tungkol kay Alex - kung babalik ba ito.

"Babalik si Tatay, baby. Diba nangako siya? Sige na, matulog ka na. Bukas na bukas, makikita mo rin siya." I assured her as I also kissed her forehead. Hinaplos-haplos ko naman ang noo nito.

"Sige po. I love you, Nanay. Good night po." Napangiti naman ako nang pumikit na siya. Muli kong dinampian ang noo niya ng halik. Nagiging masyadong attached na talaga si Sandy kay Alex.

Ilang minuto naman ay napansin kong nakatulog na rin siya. I sighed deeply.

Kanina kasi, bigla kaming binisita ng Mommy ni Alex, si Ms. Jane Buenavista. Hindi rin inakala ni Alex na bigla siyang pupuntahan ng Mommy niya kasi hindi naman siya nito tinawagan. We were all shocked with her sudden presence.

Jane Buenavista then eyes me critiquely. Wala pa kasing nakakaalam sa aming dalawa ni Alex maliban sa pinsan kong si Nikko at si Kuya Robert, idagdag ng nakikitira ako sa condo ni Alex pansamantala. Parang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko sa mga tinging ibinigay niya sa akin. She looked at me like she was digusted.

Ramdam ko sa aura niya na ayaw niya sa presensya ko. I was tensed and nervous because of it. But she didn't say anything about me but instead, sinabihan lang nito si Alex na kailangan nilang mag-usap na dalawa sa isang restaurant ngayong gabi. Bago pa man ito umalis ay sinabihan din nito si Alex na kailangan nitong sumunod kaagad sa kanya papunta sa restaurant.

Kaya naman ay walang nagawa si Alex kundi sundin ang Mommy niya. He promised us that he'll be back early after the talk. Lumabas din kasi siya kaagad ilang minuto lang ang lumipas sa pagkaalis ng ina niya. He went out and followed his mom - almost 7:30 in the evening at the restaurant.

Ngayon, malapit ng mag-aalas onse sa gabi pero hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Hindi na rin kasi ako nito tinetext.

Nagtetext kasi kaming dalawa kanina. He was texting me from time to time kung kamusta kami dito. Pero tatlong oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagtetext sa akin.

Huminga na lang ako ng malalim at niyakap ang anak ko. Alam kong tutuparin ni Alex ang pangako niya sa amin. Babalik siya.

●●●

"Uhmm..." Nakaramdaman naman ako nang may yumakap sa likod. I then felt someone burying his face into my neck. Naramdaman ko rin ang mainit na paghinga nito sa balat ko.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon