Chapter 1

36.6K 893 41
                                        

Bridget Malcolm as Evangeline Young.
Typo errors are a lot.


Chapter 1


"If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you
If I could just hold you, tonight..."

 Kaagad namang pumalakpak ang mga audience matapos kong kantahin sa stage ng bar ang 'A Thousand Miles' ni Vanessa Carlton. Ito kasi ang ipinarequest ng mga audience sa gabing iyon.

"Woo! Ang ganda talaga ng boses mo, Evangeline!"
"Oo nga. Maganda pa mukha, maganda rin ang boses!"

Napangiti na lang ako sa mga sinasabi nila. Madalas na mga audience na nandoon ay mga lalake na may kasa-kasama rin na kani-kanilang date. May mga matatandang foreigners din na may kasama ring mga batang Pinay na mga girlfriend o fiancee nila.

Tumayo naman ako mula sa stool at kaagad pumunta sa counter para isauli ang gitara sa pinsan ko na may-ari ng bar na pinagtratrabahuan ko.

"Beh, talaga bang hindi na pwedeng kumanta ulit mamaya? Dami talagang nagpaparequest e." Sabi sa 'kin ng pinsan kong si Nikko habang nagseserve ng mga inumin sa mga customers sa counter. Kahit siya kasi ang may-ari ng bar, talagang ayaw niyang magmanage lang. Gusto nitong mag-'hands-on' sa pagmamanage. He's an openly gay kaya talagang gusto nito magtrabaho doon. Lalo na kapag may mga customers na gwapo, pinoy man o foreigner.

Inayos ko naman ang suot kong pulang tube na dress. Minsan kasi bumababa yung tube na pwede ng makita ang cleavage ng dibdib ko. Kahit naman kasi ayokong magsuot ng ganun, kailangan kong tiisin dahil nasa isang bar ako at 'yun na rin ang request ng pinsan ko. Malaki rin kasi ang utang na loob ko kay Nikko dahil sa kanila kami ni Sandy nakikituloy.

"Sorry talaga beh. Kailangan ko kasing umalis ng maaga. Alam mo naman kapag si Madam Castillo na ang nagsabi. Saka babawi naman ako. Baka bukas uli ng gabi, makakanta ako ng matagal." Sabi ko naman sa kanya at inabot naman niya sa 'kin ang paper bag kung saan nakalagay ang tshirt at jeans ko. Magbibihis pa kasi ako mamaya bago pumunta sa Grey's Private Club para makipagkita kay Alexander Luis.

"O, sya, humayo ka na. Sino ba kasi yang fafable na yan at talagang kailangan mong magsakripisyo ng oras? Baka naman ang chaka ng boylet ha. Kapag chaka at mahirap, 'wag ka na lang pumunta." Anito at natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, ang baliw at ang landi. Kapag talagang gwapong lalake e hindi pinapatawad kahit may boyfriend na.

"Ang landi mo talaga!" Natatawang sabi ko sa kanya, "Si Alexander Luis Asenjo. Kilala mo diba?" Alam kong kilala nito si Alex. Kahit nga 'di ko nakwento rito na magkaklase kami sa dalawang subjects o kahit schoolmate kami sa school, kilala na niya. Nagtanong pa nga ito kung schoolmate ko siya.

"Oh my gulay! Kaloka teh! Yung gwapong anak ni Jane Buenavista? Yung supermodel na kahit ang tanda na e ang sexy pa din? Oh my! Shet ka gurl! Ang yummy 'nun!" React nito na mas lalo pa akong natawa.

Sikat kasi ang nanay ni Alex sa showbiz dahil isa itong international model. Sa pagkakaalam ko rin, minsan kasing sumikat si Alex nang naging isa ito sa mga players ng National Soccer Team ng Pilipinas--may itsura kasi ito kaya kaagad kinabaliwan ng masa. At hindi ko rin maitatanggi na talagang gwapo siya. Pero bawi naman sa masama nitong ugali.

"Ang swerte mo, Evangel! My god, hindi lang yummy, mayaman pa! Baka siya na destiny mo girlie!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Mas prioridad ko pa ang pagpapagamot kay Sandy kaysa pagkakaroon ng boyfriend o asawa. Pasakit lang sa ulo. "Gaga! Alis na 'ko. Nababaliw ka na naman." Tinalikuran ko na siya.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon