Typo errors are a lot.
Chapter 19
"Hon, can you fix my tie for me?" Nilapitan naman ako ni Alex nang nahirapan itong ayusin ang necktie nito. Nakasuit and tie kasi ang suot nito ngayon at alam kong kanina pa ito tensyonado. Nasa dining table kasi ako habang inaayos ang baon ni Sandy para sa school.
"Lika," Yakag ko sa kanya at inayos ang necktie niya. Inayos ko rin ang kwelyo ng suit niya at hinawi rin ang iilang hibla ng buhok niya na nasa mata na niya, "Bakit ka ba kinakabahan? Pagmamay-ari naman ng Daddy mo ang firm." Natatawang wika ko.
Mahigit tatlong buwan na rin kaming nandito sa unit ni Alex. Everything in our relationship was a bliss. Mas lalo ko siyang nakilala at gayundin naman siya sa akin. Just like any ordinary couple, we also have ups and downs in our relationship.
Si Sandy naman ay bumubuti na rin ang kondisyon nitong mga nakaraan buwan. Bumalik na rin ito sa pag-aaral at talagang bibong-bibo pa rin. Lagi nga itong nagpapasalamat at nanlalambing sa amin ni Alex na masayang-masaya ito dahil may complete family na raw siya. Para na tuloy kaming maglive-in partner ni Alex - like we were already husband and wife to each other.
Alex is always a good father to Sandy. Lagi kasi nitong spinospoil ang bata at tuwing uuwi pa sa klase ay talagang excited din siya na makita ulit ang bata. He was treating my daughter as his own. I am really happy with what is happening to us right now.
Kapag medyo okay na talaga ang kondisyon ni Sandy ay babalik kami ulit kina Nikko. Alam ko rin naman kasi na dapat hindi sa lahat ng oras ay aasa ako kay Alexander Luis. Naiintindihan din naman niya 'yung gusto ko at bibisitahin lang daw niya kami lagi sa bahay.
"Alam ko kasing mahigpit si Dad sa mga employees niya. Saka I haven't seen him for months. That's why I'm nervous. Baka rin kasi magkamali ako 'dun sa trabaho." Sabi naman nito sa akin na halatang kabadong-kabado talaga. I just giggled. Namumula rin kasi ang pisngi nito.
"Ikaw kasi. Sinabihan kitang bisitahin mo muna pamilya mo pero ayaw mo naman."
Ngayong araw na kasi ang OJT nito. Sa Architectural firm kasi ng Dad niya mag-oon-the-job training. Talaga kasing nag-aral ng mabuti si Alex para maipasa niya lahat ng subjects niya sa first sem. He really worked hard just to pass and I'm really proud of him. Kahit nga mismo si Madam Castillo ay binilhan pa siya ng cake para icongratulate ito. Ito talaga kasi ang pinakanatutuwa sa lahat.
Ako naman, I attended my classes again. Lumipat ako sa isang state university para mas mura ang tuition. Itinuloy ko pa rin kasi ang Architecture course ko kaso nga lang ay kailangan ko munang matapos ang mga units na hindi ko natapos 'nung nasa St. Fulgentius University ako para makapag-OJT na rin ako. Pero okay lang naman sa akin iyon kasi at least nakapag-aral ako ulit. Hindi man ako sa March gagraduate ay Octoberian naman ako.
Nandoon pa rin naman ang pag-eextra ko sa pagkanta sa club ni Nikko. May mga part-time jobs din akong sinalihan para matustusan din ang pangangailangan ni Sandy pati na rin ang pag-aaral ko.
Bumuntong-hininga naman si Alex, "Paano naman ang pamilya ko rito? Hindi ko kayong pwedeng iwan."
I smiled at what he just said. I felt giddy actually. Kahit nga sa tuwing may practice ito sa soccer team nito sa school at kailangan nitong umuwi ng maaga, sinasabihan niya ang lahat na uuwi siya ng maaga dahil may pamilyang naghihintay sa kanya sa bahay, "Ikaw talaga, hindi naman kami mawawala. Sige na, huwag ka ng kabahan. Ikaw pa, I believe in you. Kaya mo ito. Nandito lang kaming dalawa ni Sandy para suportahan ka." I assured him at naramdaman ko namang kumalma na rin ito.
"Nanay, Tatay, tara na po! Baka malate ako sa school." Parehas naman kaming natawa ni Alex nang magsalita si Sandy. Nakaschool uniform na rin ito habang dala-dala ang backpack nito sa likod.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
TeenfikceFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...