Chapter 12

24.2K 658 38
                                        


Typo errors are a lot.

Chapter 12



"Alexander Luis!" Kaagad ko namang kinuha ang kamay kong hinawakan niya. Medyo malayo na kasi kami sa room namin kung saan namin huling nakausap si Ysabelle.

He frowned at me, "What?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ganun ang sinabi niya kay Ysa? Malamang sasama ang loob niyon sa kanya. Pwede naman siyang pumunta dahil hindi naman niya ako obligasyon saka tatapusin na lang namin ng maaga ang tutorial session namin.

"Hindi ko mo 'ko girlfriend," I said matter-of-factly. Natahimik naman ito sa sinabi ko, "At kailan pa ako naging girlfriend mo?" Tinaasan ko pa ito ng kilay as I folded my arms.

He grinned slyly, "Today and in the future." Confident pa nitong sabi. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga.

"Sira ka talaga," Siya lang ata may alam na girlfriend niya ako, "Saka bakit ganun ang sinabi mo kay Ysa? Sasama ang loob 'nun sayo. Pwede naman kasi tapusin natin ng maaga ang tutorial para makapunta ka." Wala namang problema sa akin kapag pumunta siya. Magkaibigan din naman sila ni Ysabelle at alam kong malungkot iyon ngayon dahil hindi ito pupunta.

He just frowned again, "I rather watch you sing in your work rather than attending that shitty boring party."

"Alex." Pinandilatan ko siya. Grabe naman siya.

"Hindi nga ako pupunta. 'Dun na lang ako sa trabaho mo." Sagot naman nito na nakasimangot pa rin.

"Alexander Luis, sige na. Baka sumama 'yung loob ni Ysabelle sayo. Saka nandun naman siguro sina Kuya Etienne kaya okay lang." Pagpupumilit ko pa rin. Nalaman ko kasi dati pa, nang bago pa lang akong pumasok dito sa university, palagi silang magkasama ni Kuya Etienne bago ito grumaduate. Everyone knew they were best of friends.

"Pupunta ako kapag pumunta ka." Bigla naman nitong sabi sa akin kaya naman ako na ang sumimangot.

Eh 'di mas lalong magagalit si Ysa dahil kasama ako. Mainit pa naman ang dugo 'nun sa akin.

"Hindi naman ako inimbita 'nun," I rolled my eyes, "Saka may trabaho ako." Mas importante pa rin ang trabaho ko kesa umattend sa ganung mga party.

"Pagkatapos ng trabaho mo, sasamahan mo 'kong papunta doon. I'll wait for you. If you'll come with me, pupunta ako sa party."

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi talaga nagpapatalo.

"Fine." I surrendered. Lumiwanag naman ang mukha nito at bigla akong dinampian ng halik sa pisngi ko.

"That's my girl." He playfully said after. Hinampas ko naman siya sa balikat niya.

I just giggled.

●●●

Natapos na rin ako sa pagkanta ko at kaagad nagpaalam kay Nikko na aalis. Nagrequest kasi ako sa kanya na hindi muna ako kakanta ng marami dahil may pupuntahan akong importante. Pumayag naman ito kaagad sa akin at hindi na nag-intriga.

Laking pagpapasalamat ko talaga dahil may gwapo kaming customer kaya todo naman makaentertain ang pinsan ko. He was not even paying attention to what I said. Mas tinuunan nito ng pansin ang gwapong customer.

Lumabas na ako mula sa bar. Nakapagbihis na rin ako. I was wearing a plain white shirt and black skinny jeans with sneakers.

Actually, nakita ko naman siya na pinapanuod akong kumanta kanina and after few songs, he went outside and just texted me na sa labas na muna siya maghihintay sa akin.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon