Formerly Alexander The Heartbreaker.
(Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bridget Malcolm as Evangeline Young.
Typo errors are a lot.
Chapter 16
Hindi ko naman maiwasang kabahan habang tinatanaw ko ngayon sa bintana ng kotse ni Alex nang malapit na kami sa bahay namin sa probinsya. Habang binabaktas na kasi namin ang maliit na daan papunta doon, napapansin kong pinagtitinginan ng mga tao doon ang kotseng sinasakyan namin.
Matapos kasi akong binalitaan ni Nikko tungkol sa pagkamatay ng Nanay ko ay kaagad akong nagdesisyon na umuwi. Nagpresinta naman si Alex na sasamahan niya ako sa pag-uwi ko sa probinsya namin. He told me he would not let me come alone especially when my stepfather was still there.
Ginamit namin ang kotse niya papunta sa probinsya. We used his Ford Ranger car in going to our province. Medyo malayo kasi ang ibabyahe namin. I don't even know how many cars does this guy have.
Naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa kamay ko. Nagmamaneho kasi siya habang katabi ako. He smiled at me.
"Everything will be alright. Nandito ako. Hindi kita pababayaan." Sabi nito sa akin kaya naman napabuntong-hininga na lang ako. Alam kasi nitong kinakabahan din ako sa muling pagkikita namin ni Tiyo Gerry. Ang taong sumira sa nakaraan ko.
Isang linggo kasi kami mamamalagi sa probinsya hanggang sa mailibing si Mama.
Nang namataan ko ang maliit na bahay namin ay kaagad namang nagpark si Alex na malapit lang doon. Alam na alam kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga kapitbahay namin.
Sabay naman kaming bumaba ni Alex mula sa kotse. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko ng makalapit na ako sa kanya. Somehow, I felt relieved and secured that he was with me.
Nakita ko naman ang mga kapitbahay namin na nagkukumpulan sa labas ng bahay habang naglalaro ng baraha. Nasa loob kasi ang lamay ni Mama at halos lahat ng tao ay nasa labas lang at nagsusugal.
May mga kapitbahay pa rin naman akong namumukhaan doon at hindi ko ikakaila na halos lahat ng mga mata, lalo na ang mga babae naming mga kapitbahay ay nasa amin.
"Vangie? Ikaw na ba yan?" May narinig naman kaming nagsalita at bigla na lang lumapit sa amin ang isang matandang babae. Pamilyar siya sa akin.
"Aling Susan." Sabi ko sa kanya nang maalala ko na kung sino siya. Siya 'yung kapitbahay namin dati na naging matalik na kaibigan ni Mama.
"Naku, ikaw nga. Mabuti at nakarating sayo ang balita. Ang laki ng pinagbago mo. Halos hindi na kita makilala." Napansin naman nito si Alex na kasama ko ngayon, "Sino itong dala mo?"