Sam Way as Alexander.
Typo errors are a lot.
Chapter 2
Kaagad kong pinindot ang doorbell ng makarating na ako sa labas ng condo unit ni Alexander. Napatingin naman ako ulit sa cellphone ko. 15th floor. Unit #1526.
Hindi ko talaga inakala na ganun kalaki ang condominium. Nasa 15th floor pa nga ako tapos itong building na 'to, hanggang 40th floor. Parang na nga akong nahilo 'nung sumakay ako sa elevator papunta rito. Paano na lang kaya kapag 20 above ang floor matatagpuan ang unit niya? Sa napapansin ko nga, halos lahat ng nandoon ay talagang ubod ng yaman.
Alam kong talagang mayaman si Alexander Luis. May-ari ng isang malaking architectural firm ang ama nito tapos may mga branches din itong itinayo sa iba't-ibang sulok ng Europe. Tapos ang ina rin nito ay isang international model.
Pinindot ko muli ang doorbell. Hindi ko talaga alam kung paano nakuha ng gago ang number ko. Sa pagkakaalam ko, si Nadine lang ang may number ko doon sa university. Sa tuwing may thesis o research kasi kaming gagawin, number ni Nikko ang ibinibigay ko. Minsan lang kasi akong magpaload, 'yun lang kapag may importante akong itetext o tatawagan.
Bigla namang bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko ang isang pamilyar na babae. Hindi pa maayos ang suot nitong pulang dress tapos nakasmudge pa ang lipstick.
Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Oo, naalala ko na siya. Si Gianna Pedroza. Ito yung nanalo 'nung Miss St. Fulgentius University last year.
Itinaas naman nito ang kilay nito sa 'kin, "And why the university slut is here?" She mocked. I rolled my eyes as I heard the same words again--them--calling me a slut.
Aminado akong magkasingtangkad lang kami. Gaya ko, she's around 5'7 too. Siguro nga kaya ako naging ganito katangkad dahil sa Papa kong Canadian.
"Gianna, I told you to get the fuck out already. Ayoko maground two. Get the fuck out." Rinig ko galing sa isang pamilyar na boses sa loob. Natawa naman ako sa itsura ni Gianna nang marinig iyon.
"Asshole!" She hissed. Tinulak pa niya ako at kaagad umalis doon. Napailing na lang ako. Gumagawa na naman ng karantaduhan ang gagong ito.
Hinubad ko naman ang suot kong gray na jacket. Ngayon, nakaitim na tshirt na lang ako at jeans. Pumasok kaagad ako sa loob ng unit niya.
Nakita ko naman kaagad siya na nakaupo sa couch ng living room nito habang pinipindot ang remote ng TV. Wala itong saplot. He was flaunting his whole self around. Nakasimangot pa itong nanunuod ng TV.
"You're late." Biglang sabi nito sa 'kin at nakasimangot pa rin. Late? Wala nga itong sinabing oras kung kailan ako pupunta doon. Maaga ko pa nga siyang pinuntahan kasi alas nuwebe pa lang ng umaga. Tumayo naman ito bigla at humarap sa 'kin. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin sa ibaba, sa may gitna nito. Shit.
Kaagad akong tumalikod. "Magdamit ka nga, Asenjo!" Naiinis kong sabi rito.
Narinig ko naman ang pagtawa niya, "Kunwari ka pa, Evie. I know you already saw a lot of dicks. You're a whore. Don't act like you're a fucking virgin."
Alam kong sanay na sanay na akong marinig sa kanila na tawagin akong 'slut', 'whore' o puta. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kumalat sa campus. It all started when Ysabelle Torres, anak 'nung dating mga amo na pinagsisilbihan dati ni Mama.
Hindi ko alam 'nung simula pa man pagkabata, ayaw na sa 'kin ni Ysa. She always hated me. Binubully niya ako at inaaway sa tuwing sumasama ako kay Mama sa trabaho. Mabait naman ang mga magulang niya na sina Ma'am Lana at Sir Chace sa 'min at ang mga kapatid niya. Hanggang sa may ginawa siyang kasinungalingan kaya napilitan kami ni Mama na umalis.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...