Typo errors are a lot.
Chapter 26
"Evie, baby..." Kaagad naman kaming niyakap ni Alex nang dumating na kaming dalawa ni Sandy sa unit niya. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Ms. Jane ay bumalik pa ako kina Nikko para kunin si Sandy. Doon ko muna kasi inihabilin pansamantala ang anak ko.
"Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo, I was so worried. I tried calling you pero hindi ko kayo macontact." He told us worriedly. He even kissed our foreheads after hugging us. Pasado alas-nuwebe na kasi kami nakabalik - ni hindi pa nga rin kami nakakain ng dinner at si Alex naman ay hindi pa rin nakapagpalit ng damit.
Kaagad namang kinarga ni Alex si Sandy, "Saan ba kayo pumunta, baby? Pinag-aalala niyo tuloy si Tatay." Humagikgik naman ang anak ko sa tanong niya.
"Binisita lang po namin si Tito Nikko, Tay... Saka nasaan na 'yung gift ko? Diba sabi mo bibigyan mo 'ko?" Sandy said cheerfully. Alex just laughed. Talagang close na close na silang dalawa.
I smiled. Pinipigilan kong umiyak habang nakatingin sa dalawang pinakamamahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Wala naman akong ginagawang masama. Naging mabuting tao ako.
"Hey..." I came back to my senses when I saw Alex was already near me. Nakita ko naman si Sandy na binubuksan na nito sa mesa ang dalang gift ni Alex, "What's wrong, honey?"
Tuluyan na nga akong napaiyak. Niyakap ko kaagad si Alex. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayoko siyang mawala sa akin. Hindi ko kaya.
"Mahal kita, Alex. Mahal na mahal kita." I sobbed. Naramdaman ko naman ang pagyakap din sa akin ni Alex pabalik. He was also hugging me so tight.
He chuckled, "Mahal na mahal din kita, Evie. Why are you crying? I'm getting nervous... you know. You sound like you're leaving me."
Kumalas naman ako mula sa kanya at tinitigan siya. He was also staring back at me too. Pinahid naman nito ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya, "I will always love you no matter what will happen, Evie. Remember that." He then smiled at me as he kissed the tip of my nose.
Ayokong maghiwalay kami. Ayokong iwan niya ako. Ayokong iwan siya.
Mahal na mahal ko siya.
"You won't leave me, right?" He suddenly said, cupping my face, "I'll die if you'll leave me, Evie." He added as if he was really scared that I'll leave him behind. I'm scared too.
Umiling ako, "I love you so much, Alex."
Ngumiti naman ito sa 'kin at hinalikan kaagad ako sa mga labi ko. I responded to his kiss. I don't want anything about us to end.
"Yehey! Magkakaroon na ba ako ng baby brother, Nanay?"
Parehas naman kaming napahinto ni Alex nang marinig ang boses ni Sandy. Parehas naman kaming natawa na dalawa at niyakap siya.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko.
---
"Tatanggapin mo ba 'yung trabaho sa Japan, Evangel?" Tanong sa akin ni Kuya Robert nang nasa kanilang bahay kami ni Sandy. Tinutulungan ko rin kasi sila sa pag-iimpake ng mga gamit nila. Gaya rin nila ay naimpake na rin namin ni Sandy ang mga gamit namin.
Lilipat na kasi sila ulit sa probinsya. Talaga kasing nasara na ang negosyong bar ng pinsan ko pati na rin ang sari-sari store ni Kuya Robert. Napagpasyahan na lang kasi nila na lumipat doon dahil mas nakakatipid sa gastusin.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
