Chapter 7

26.7K 801 42
                                        


Typo errors are a lot.

Chapter 7



Lahat ng tao ay nakatingin na sa amin matapos kong niyakap si Alexander Luis dahil sa pagkakapasa nito. Napalunok naman ako. Ang sasama kasi ng tingin nila sa akin. Lalo na ang mga babaeng estudyante.

"Seriously?" Ysabelle Torres who was one of the students their incredulously said.

"Ang lakas pa ng loob niyang yakapin si Xander."

"Feeling close ang slut."

Rinig kong mga sabi nila. Napakagat-labi na lang ako. Sanay naman ako sa mga sinasabi nila sa akin pero ayoko mag-eskandalo pa kaya aalis na lang ako.

"C-Congrats ulit. Aalis na ako." Sabi ko na lang kay Alex pero bago pa man ako makaalis ng tuluyan ay bigla niya akong inakbayan.

"Nope, don't forget. Ililibre mo pa ako, diba?" He playfully said--not minding what other people were gossiping now at us.

"A-Alex..." Baka madamay pa siya dahil sa reputasyon ko, "N-Nakatingin sila sa atin... Baka anong sabihin nila sayo." Then one of the crowd will start spreading rumors about Alexander befriending the university 'slut'.

Nilapitan naman niya bigla si Ysa habang hinihila ako, "She tutored me so that's why I finally passed, for the first time. At dahil doon, ililibre niya ako ng pagkain."

"A-Alex..." I said his name slowly. Mas lalo kasing obvious ang disgusto ni Ysabelle sa nangyayari, "Tayo na..."

"Okay," He smirked before turning back at me, "Just making sure they won't spread the wrong gossip." Anito sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko. Nagsimula na rin kaming maglakad papaalis doon.

Napailing na lang ako, kahit kailan talaga.

"Saan mo 'ko ililibre?" Biglang tanong nito sa akin. Hindi naman halata na masyado na itong excited.

"Saan mo ba gusto?" I asked him, "Basta, yung kaya sa budget ha?" I jokingly replied. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa kamay ko.

"Anywhere with you, Evie," He suddenly said--sounding serious. Hindi naman kaagad ako nakapagsalita sa sinabi niya. It was deep, "Kahit saan basta kasama kita."

I smiled. I didn't expect he would say those things. Malayong-malayo kasi sa Alexander Luis na nakilala ko rati. Judgmental, cocky, arrogant.

"Sa cafeteria na lang tayo," Sabi ko na lang, "Para hindi na natin kailangan umalis."

"Sure, ikaw naman ang manglilibre e." He winked. Napailing na naman ako. Good mood na good mood talaga ang mokong.

Well, I am too. At least, nagbunga ng maganda ang pagrereview namin. And he deserves a reward naman.

Doon na kami pumunta sa cafeteria and as usual, pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante na naroroon. May iba na nagbulung-bulungan na naman. Aaminin kong medyo sikat din kasi si Alexander Luis sa university. Team captain ito ng soccer team at sabi pa ng ilan, magaling din ito. I heard tuwing may mga games, siya lagi ang nakakakuha ng MVP award.

"Anong ginawa ng slut kay Xander?"

"Usually, kapag may kasamang babae si Xander, girlfriend niya."

"No way."

"Tangina naman, pati ba naman dito--" Hinawakan ko ang braso ni Alex bago pa niya sugurin yung mga estudyanteng nag-uusap sa may bandang likuran namin.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon