Chapter 25

21.6K 516 70
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 25


"Evangel-san, Tēburu nine chūmon o tsukete kudasai." Sabi sa akin ni Shiba-san na siyang may-ari ng bar na pinagtatrabahuan ko ngayon sa Japan. (Evangel, please take the orders of table 9.)

Tumango naman ako sa sinabi niya at pinuntahan ang table 9. Sa tagal kong nagtatrabaho dito sa Japan ay medyo nakakaintindi na rin ako ng salita nila.

Mahigit apat na buwan na rin ang lumipas magmula 'nung iwan ako ng anak ko. Nang mamatay siya ay namatay na rin ako. Wala na akong dahilan para ipagpatuloy pa ang walang kwentang kong buhay. Wala na akong dahilan para maging masaya.

Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Gusto ko na ring mamatay... Gusto ko na ring sumama sa anak ko. Ayoko na rito. Hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay ko kapag wala ang anak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

Wala na akong pakialam sa lahat.

Pumunta na ako sa table 9 at kinuha ang mga orders ng mga customers na nandoon. Everyone inside the bar was having their own time. May mga babaeng strippers din na sumasayaw sa gitna na puro matatandang mga hapon naman ang nanunuod. May iba pa na hinihipuan ang iba't-ibang parte ng mga katawan nila.

"Arigato."  I thanked the customers after getting their orders. Tumalikod na kaagad ako para bumalik ulit kay Shiba-san. She is our bar manager. Siya rin ang nagbabantay sa bar counter.

Bago pa man ako makabalik sa counter ay may biglang yumakap sa likod ko at kaagad pinisil ang dibdib ko. Amoy na amoy ko rin ang alak nito. The man who hugged while squeezing my breasts behind suddenly licked my neck. Nakasuot lang kasi ako ng bra at isang maiksing shorts. Iyon kasi ang pinapasuot sa amin ni Shiba-san sa bar.

Pumikit ako ng mariin sa ginagawa niya sa akin. Wala na akong pakialam kung anong gusto mang gawin niya. Mas mabuti ng sigurong gahasain na lang niya ako... pagkatapos ay papatayin din niya ako sa huli.

Nagulat naman ako nang may kumuha sa kamay ng lalakeng nakahawak sa dibdib ko at kaagad nitong tinulak ang lalake.

"Back off, you shit. You're disrespecting her." Napatingin naman ako sa lalakeng nasa harapan ko. He was tall, maybe almost 6'2. He has a blonde hair and a blue eyes too. May mga kasama rin itong mga kalalakihan na parehas silang lahat na nakasuot ng parang uniporme ng isang US Navy. May mga foreigners din kasi kaming mga customers sa bar kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila nandito.

"Are you okay, Miss?" Tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa lalakeng tinulak niya na na ngayon ay nakahiga sa sahig na halatang lasing na talaga.

Napabuntong-hininga ako. Dapat hindi na niya ako tinulungan. Dapat hinayaan na niya akong marape at mapatay ng lalakeng iyon.

"You shouldn't have helped me. I didn't need your help," Naiinis na sabi ko sa kanya at nagulat din siya sa sinabi ko. His friends who surround him were even chuckling at me. Pinagtatawanan pa nila ako.

"Gago." I gritted my teeth. Tinulak ko siya at dinaanan lang sila. Nakakainis.

Bakit ba siya nangialam kanina? Nakakabuwisit siya!

Mamamatay na sana ako!

---

Buntong-hiningang binuksan ko na ang room kung saang sinabi sa akin ni Shiba-san na may gustong kumuha ng serbisyo ko. Ito ang magiging unang beses na may kumuha sa akin ng room. Kami kasing taga-kuha ng order at taga-serve ng drinks ay hanggang doon lang ang sakop ng mga trabaho namin. Yung ibang mga stripper lang ang pwedeng makuhanan ng room ng mga customers.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon