Typo errors are a lot.Chapter 5
"Anak, mag-almusal ka na." Sabi ni Mama sa 'kin ng magising ako. Medyo napapadalas na ang paggising ko ng matagal. Minsan tinatanghalian na ako ng gising. Tapos mabilis pa akong mapagod kahit sa mga konting bagay lang.
Napatingin naman ako kay Tiyo Gerry na kumakain na sa hapag-kainan. Nakangisi itong nakatingin sa akin kaya kaagad akong nag-iwas.
Nanginginig ako. Sa tuwing naalala ko yung walang-pusong ginawa niya sa akin, natatakot ako. Lagi akong binabangungot araw-araw at wala man lang magawa kung hindi ang humikbi na lang sa isang sulok. Takot na takot na ako. Kahit isang beses niya lang ginawa iyon, takot na takot na akong makita o mapalapit sa kanya.
Maya-maya'y may nararamdaman naman ako sa katawan ko at mabilis na pumunta sa lababo at sumuka. Ilang araw ng sumusuka ako o 'di kaya'y sumasakit ang ulo na ang kulang na lang ay mahimatay ako.
At ilang linggo na ring hindi ako dinadatnan.
"Evangeline, buntis ka ba?"
Mas lalo akong kinabahan sa biglang pagtanong ni Mama. Alam kong nahahalata na niya ang madalas na pagsusuka ko.
Napatingin naman ako kay Tiyo Gerry na ngayon ay nililinis ang isang kutsilyo sa mesa. Hindi ko alam kung bakit may hawak ma itong kutsilyo doon. Nililinis niya iyon gamit ang isang puting towel.
Naalala ko namam ang sinabi niya sa 'kin matapos ang kapangahasang ginawa nita sa 'kin. Papatayin niya ako. Papatayin niya ako kapag nalaman ng iba ang tungkol sa nangyari sa 'min.
"M-Mama.." Naiiyak kong sabi. Hindi ko na talaga alam. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buntis ako. Nabuntis niya ako.
"Walanghiya ka!" Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Mama. Sinampal niya ako ng malakas kaya naman napasubsob ako sa sahig. "Sinong hayop na yan ang bumuntis sayo, ha?!" Narinig kong umiiyak na rin ito.
"Evangeline, ano bang nangyayari sayo? Bakit mo ginawa ito? Walanghiya ka! Ang gaga mo! Ang bobo mo! Ano bang pumasok sa kokote mo?!"
"Lumayas ka rito! Lumayas ka! Kahit kailan, hindi ko bubuhayin yang pesteng anak mo!"
●●●
Siguro nung umulan ng karantaduhan, sinalo lahat ng gagong ito iyon.
"Evie!"
Rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa 'kin. Pero hindi ko siya nilingon. Ang gago lang talaga niya!
Siguro sa lahat ng tarantadong nasalamuha ko, siya ang pinakatarantado. Daig pa nga siguro sa kagaspang ng ugali nito ang mga tambay sa kanto. Ang sarap talaga niyang sakalin! Tapos kung mamamatay siya, gagawin ko siyang meryenda sa mga buwaya sa crocodile farm.
"Evie, wait!" Hinawakan kaagad nito ang braso ko kaya naman napatigil ako.
Nilingon ko siya at tinignan ng masama, "Bitawan mo ko, asshole!"
Binitawan naman ako nito--lifting his hands in the air, "Okay, okay! But hear me first. Let me explain."
"Explain mo mukha, Asenjo!" I hissed. Ang kapal talaga ng mukha. Buong akala ko ay talagang totoo na ang pakikipagcooperate niya para pumasa pero ngayon, I just realized, once an asshole, always an asshole.
"Tigilan mo na ako. Punong-puno na ako sa kagaguhan mo, Asenjo. Akala ko, iba ka. But now, you made me think that you really are a jerk. You're the worst!" Sumbat ko rito. Gusto ko na talagang sumabog dahil sa galit. Napakajugmental nila. Mapanghusga. Na akala mo ay alam talaga nila ang pinagdadaanan mo sa buhay.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...