Formerly Alexander The Heartbreaker.
(Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sam Way as Alexander Luis.
Typo errors are a lot.
Chapter 15
"Evangel, pakibigay 'yung drinks sa table 6." Sabi sa akin ni Desiree, ang may-ari ng bar na kasalukuyang pinagtatrabahuan ko ngayon. Masyado kasing marami ang mga customers ngayong gabi kaya kailangang magdoble kayod.
"Sige." Kinuha ko naman ang tray kung saan nakalagay ang mga drinks at kaagad tinungo ang table na sinasabi nito.
Napabuntong-hininga naman ako. Mahigit isang linggo na rin magmula 'nung mangyari ang lahat ng iyon. It was more than a week when I last saw Alex and the people from the university. Talagang dinrop ko na kasi ang lahat ng subjects ko at titigil na naman ako sa pag-aaral. Saka, sa mga bagay na ginawa nila sa akin sa university ay wala na akong ganang harapin pa sila at higit sa lahat, wala na akong pakialam.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Sandy. Malapit na siyang mag-iisang buwan sa ospital at pamahal na rin ng pamahal ang mga bayarin namin sa kanya. Kaya nga ngayon, pinapatos ko na lahat ng klaseng trabaho para lang may ipapambayad kami. Tuwing araw, nagtatrabaho ako bilang janitor sa isang mall at tuwing gabi naman ay sa bar ako ni Desiree pumupunta. Paminsan-minsan din naman ay kumakanta pa rin ako sa bar ng pinsan ko. Maliban lang sa pagbebenta ng katawan ang hindi ko ginagawa.
"Ang laki ng pwet mo, Miss." Nagulat naman ako nang may biglang pumisil sa pwet ko. Kaagad naman akong lumingon sa likod ko at napansing wala namang tao doon, maliban sa mga customers na naglalakad at dinadaanan lang ako.
I sighed. Madalas na talaga akong nakakasalamuha ng mga ganung klaseng lalake. Idagdag ng halos kita na rin kasi ang kaluluwa ko sa mga isinusuot ko sa bar. Iyon kasi ang kailangan kong suotin ayon kay Desiree.
Pagkatapos kong ibigay sa table 6 ang mga drinks ay kaagad na akong bumalik sa counter para kumuha na naman ng order.
"Evangel, may gustong kumuha pala sayo ng isang room." Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin at nagsimula ng kabahan.
Kapag kasi may gustong kumuha ng room sayo ay ibig sabihin 'nun, ibinibenta mo ang katawan mo sa isang kliyente.
Napalunok naman ako, "Pero Desiree... Napag-usapan na natin 'to diba? Hindi ako gumagawa ng mga ganung bagay." 'Nung nag-apply kasi ako ng trabaho sa kanya, hanggang pagseserve lang ng mga drinks sa mga customers ang gagawin ko. Pumayag naman siya pero hindi ko alam kung bakit ngayon, kailangan ko pa ng room.
"Hayaan mo na, Evangel. Malaki yung ibinayad ng kliyente. Seventy thousand pesos ang binayad niya. At sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganung kalaking pera para isang gabi lang. Sige na, pumayag ka na. Ikaw kasi ang gusto. Saka bibigyan naman kita ng fifty thousand dahil ikaw naman ang gumawa 'nung serbisyo."