Chapter 3

30.5K 814 55
                                        

Bridget Malcolm as Evangeline Young
Typo errors are a lot.

Chapter 3


"At maniniwala ka na naman sa gagong 'yun, Gie? Alam mong tarantado iyon at malamang hindi talaga 'yun magseseryoso." Sermon sa 'kin ni Nadine na kasama ko ngayong naglulunch sa cafeteria. Ngayong araw kasi ay parehas kami ng break kaya sabay kaming naglunch. "Wala ngang pakialam kahit maexpel, pag-aaral pa kaya?"

Kinagat ko naman yung inorder kung burger. Yun lang kasi ang mura doon at kailangan ko ring medyo magtipid dahil malapit na namang maubos ang gamot ni Sandy, "Alam ko namang gago siya pero Nadine, pinuntahan naming dalawa si Madam Castillo kanina, sinabihan niya si Madam na bigyan siya uli ng chance at kapag hindi pa rin siya pumasa sa exam namin next week, ipapakickout siya." Sagot ko naman.

Oo, talagang tinotoo niya na sabihin kay Madam Castillo ang tungkol doon. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya tungkol sa sinabi niya. Hinintay ko pa siya na tawanan ako kasi naniwala na naman ako sa kanya. Pero hindi, talagang nagpasama pa siya sa 'kin papunta sa SAO para makita ko na seryoso na talaga siya. Sana nga.

"Sa tingin ko naman, baka seryoso na siya. Kasi kapalit e ang maexpel siya."

"Eh di maexpel siya! Para naman hindi ka na maabala pa. Naku! Kung bakit kasi may mga tao talagang ipinanganak na gago. Gwapo nga pero gago naman. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ang daming bobita na nahuhumaling sa tarantadong iyon." Natatawa na talaga ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti kasi ang swerte kong magkaroon ng kaibigan na gaya niya. Kahit kasi mayaman siya, nag-iisang unica hija, hindi siya spoiled. Down to earth na tao si Nadine. Hindi rin siya judgmental sa kabila ng mga narinig niya sa campus tungkol sa 'kin.

"Naku, kapag talaga ikaw nagayuma rin ng gagong iyon, friendship over na tayo!"

Napailing na lang ako, "Alam mo namang priority ko ang makagraduate, Nads. Hinding-hindi mangyayari iyon." Pati na rin ang mapagamot ko ang anak kong si Sandy sa sakit niya. Wala pa kasi siyang alam na may anak na ako. Pero balak ko namang sasabihin sa kanya pagkatalos ng semester na ito at kung makapag-ojt na ako.

Natahimik naman ako ng dumaan si Ysabelle Torres sa harapan namin. Kasa-kasama rin nito ang kaibigan nitong si Mariel Genares. Napansin naman nila kami at parehas kaming inirapan. Sa pagkakaalam ko, 4th year na siya, Literature ang course. Matanda kasi ako sa kanya ng tatlong taon. Pero 5th year na ako sa Archi at graduating na rin. Huminto kasi ako dati ng dalawang taon nang lumubha ang sakit ni Sandy.

"Ayan na namang spoiled bitch na yan." Biglang sabi ni Nadine kaya natawa na naman ako. Alam kasi nitong si Ysa ang nagpakalat ng mga fake scandal videos at mga chismis tungkol sa 'kin.

"Buti na lang mabait si Etienne. Hay, ang gwapo rin ng isang iyon pero sayang graduate na." Bumuntong hininga pa ito. Kuya kasi ni Ysabelle si Ettiene Claire Torres. Aminado akong mabait talaga si Kuya Eith, kahit kasi naninibilhan pa kami dati sa kanila, mabait siya sa 'min. Sa pagkakaalam ko, graduate ito ng Accountancy tapos Summa Cum Laude pa.

Kaya minsan, hindi ko alam kung bakit ganun na lang pagkamuhi ni Ysa sa 'kin.

At sa pagkakaalala ko rin, magkaibigan sina Alexander at Ettiene.

"Hay naku! Basta Gie, mag-ingat ka sa mga gago."

●●●

Nasa labas na ako ng locker room ng soccer team ng university. Alam kong katatapos lang nila magpractice kasi wala ng mga players na naglalaro sa labas ng field. It was already also past 5pm.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon