Formerly Alexander The Heartbreaker.
(Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Typo errors are a lot.
Chapter 13
Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinansin ni Nadine. 'Nung isang araw, okay naman kaming dalawa. Sabay pa kaming naglunch at kasama pa namin si Alex sa mga oras na iyon.
Ngayon, hindi na lang niya ako pinansin at hindi ko aakalain na bigla na lang itong sasama kay Mariel Genares na kaibigan ni Ysabelle. Alam ko kasi na ayaw na ayaw ni Nadine sa dalawa. Pero ngayon, kasama pa silang dalawa ni Mariel na naglulunch.
"Evie, why did you stop?" I came back to my senses when I heard Alexander's voice. Ngayon ko lang maalala ulit na magkasama pala kaming dalawa at magkahawak pa ang dalawang kamay namin.
"A-Ano..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nanatiling nakatingin lang ako sa direksyon nina Nadine.
Napatingin din naman si Alex sa kanila.
Naramdaman ko naman ang pagpisil ng kamay nito kaya napalingon ako sa kanya, "Hayaan mo na. Nandito naman ako. Sasamahan kita sa lunch palagi." He then smiled at me.
Napabuntong-hininga naman ako at tumango. Mamaya ko na lang kakausapin si Nadine. Tatanungin ko siya kung may problema ba siya o kung masama ba ang loob niya sa akin kaya ganun ang inasal niya.
Alam ko kasing mabait si Nadine at hinding-hindi niya gagawin iyon kapag walang dahilan. Matagal ko na siyang naging kaibigan sa university na kailanman ay hindi ako hinusgahan.
"Tara na, nagugutom na ako." Hinila na ako ni Alex papunta sa counter para umorder. Hindi ko nga alam kung bakit marami ang mga inorder nitong pagkain.
Pagkatapos ay nakahanap na kami ng table at umupo na kaming dalawa. Kahit sa mga oras na iyon ay maraming mata ang nakatingin at inoobserbahan ang bawat galaw namin. Kalat na kalat na kasi sa buong campus ang tungkol sa amin ni Alex.
"Mauubos mo 'yan lahat?" Tanong ko kay Alex habang inaayos na nito sa table ang mga inorder nito. Nag-order kasi ito ng dalawang large fries, isang chicken teriyaki with rice, isang spaghetti at dalawang iced tea.
"Oh, I'm not eating this alone. You're going to eat with me. Sayo 'tong spag saka fries." Ibinigay naman nito sa akin ang mga pagkain, "Eat, Evie. Parang pumayat ka kasi. I told you not to stress yourself especially in your work."
Natawa naman ako sa sinabi nito, "Baka maging balyena na ako dahil pinapakain mo 'ko ng marami." Biro ko naman. Minsan natatawa na lang talaga ako sa mga kapilyuhan nito.
Pero at least, improving na siya. Lalo na sa academics. Kaya 'nung pinatawag kaming dalawa ni Alex sa office ni Madam Castillo ay ito ang pinakamasaya dahil sa progress ng binata.
"I don't care about sizes, Evie. You're still attractive to me no matter what." Napangiti na lang ako sa sinabi nito. Minsan talaga ay unpredictable ang mga linyang sinasabi nito sa akin. Maybe because he is a ladies' man? I don't know.