Chapter 14

22.8K 651 81
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 14



"Hey, babe." Napatalon naman ako nang may biglang humalik sa leeg ko habang nilalagay ko sa bookshelf ang mga libro. Nasa library kasi ako sa mga oras na iyon. It was already past 8pm. Wala na ring masyadong estudyante sa loob ng lib--maliban sa 'ming mga working scholars na inaayos at nililinis ang mga kalat sa loob.

"Alex!" Sita ko rito at tumawa lang ito. Halatang katatapos lang ng practice nito sa soccer dahil bagong shower ito. Basa pa kasi ang buhok nito at nakasuot lang din ito ng varsity jacket nito at jersey shorts pati na ring ang Fila soccer shoes nito.

"Easy, babe," He replied, still chuckling, "I won't kiss you here. But in the car though."

I just rolled my eyes at what he said. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabalik sa mga libro sa shelf. Napansin ko rin namang tumulong na rin siya sa akin sa paglalagay.

Mahigit dalawang buwan na rin kaming ganito. Alexander Luis really kept his words na sasamahan niya ako lagi, especially during break time ko. Madalas na kaming nagkakasama na dalawa dito sa school even if at my work.

Despite all the issues that were talking about us or me, Alex didn't mind it. Mas lalo lang itong napadikit sa akin na parang bang wala ng pakialam kung ano mang sasabihin sa amin ng mga estudyante at ng mga tao. We became more closer with each other. He became a very close confidante to me.

I smiled. I didn't really expect Alex would do all these things for me. Buong akala ko kasi dati, he's like everyone else--especially when he had a 'manwhore slash no dreams in life' reputation. But I was wrong. The true Alex was way different with what they said.

My Alex is a smart, funny and kind guy. And I'm glad I knew the real him.

And he has been very vocal of his feelings towards me.

"Kamusta ang practice?" I asked him while we were busy arranging the books. Saglit lang kasi ako nakapanuod ng practice nila kanina.

"The usual," Kibit-balikat nitong sabi, "But the pressure is getting tougher. Malapit na kasi ang tournament." Napalingon naman ako sa kanya.

I squeezed his hand, giving him a smile of assurance. Alam ko kasing siya ang mas naprepressure sa lahat dahil siya ang team captain ng soccer team.

Minsan nga, hindi na kami nagkakatutorial session na dalawa dahil sa pagiging busy nito sa practice.

"Don't pressure yourself. Kaya mo 'yan. Makakaya niyo. Saka ikaw pa, you play so well." I said, encouraging him. Ngumiti naman ito sa akin.

"Kailan mo kaya ako sasagutin?" I giggled as I rolled my eyes when he asked it again.

"Ikaw talaga, Asenjo. Tulungan mo na lang ako rito." Napailing na lang ako at narinig ko naman itong tumawa na naman. We then continued arranging the books.

●●●

"Evie, are you joining the singing contest in the university?" Biglang tanong sa akin ni Alex nang dumating na kami sa bar. Pagkatapos kasi namin sa library ay hinatid niya ako papunta sa bar ng pinsan ko. This has been our usual routine though, sa tuwing natatapos ang shift ko sa lib.

Sabay naman kaming lumabas na dalawa mula sa kotse nito.

He quickly held my hand as I went near to him.

"H-Hindi ko alam..." I honestly said as we both entered the bar, "May trabaho pa kasi ako rito sa bar at yung duty ko sa lib, I'm a little bit busy. Saka next sem, OJT na natin." Dagdag ko.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon