Chapter 23

20.1K 571 56
                                        


Typo errors are a lot.

Chapter 23


"Hey."

"Greg," Dumating na rin si Greg at kinuha niya kaagad ang mga dalang bagahe ko habang hinihintay ko siya sa may check-in counter.

Talaga kasing nagmamadali pa itong puntahan ako para tulungan ako sa mga dala ko. He was even wearing his pilot uniform at nakacap pa rin ito. Siya rin ang piloto sa eroplanong sinakyan ko papuntang Pilipinas.
Makalipas kasi ng isang linggo ay kinailangan ko ng pumunta ng Pilipinas para sa training ko. Greg, on the other hand, suggested that he would also come with me at doon sa unit niya kami titira. May condo unit din kasi siya binili dati pa sa Pilipinas ngunit madalang lang niya nagagamit dahil hindi naman ganun kadami ang mga flights niya papuntang Pilipinas.

He also told me na napakiusapan niya ulit ang airline company director na siya na lang ang maghahandle sa mga flights within Asia para masamahan niya ako rito sa pagtetraining ko sa Pinas. He's really sweet.

"Pasensya na," He apologized as we were now going out of the airport to get a cab, "Natagalan kasi ako dahil dinouble check pa namin ang mga engines ng eroplano para mamaya." He explained habang dala-dala ang mga bagahe namin.

Kinuha ko naman ang panyo ko nang mapansin pawis na pawis na talaga siya, I wiped the sweat that was covering his face already. Idagdag ng ang init-init pa ng uniform nito, "Ano ka ba, okay lang. Pawis na pawis ka pa tuloy, okay lang naman na maghintay ako." I told him as I was done wiping his sweat. Ngumiti naman ito sa akin.

"I'm really lucky to have you." Biglang sabi nito sa akin kaya naman napailing na lang ako.

"Sus, tara na nga!" I giggled as we finally found a cab to ride on.

●●●

"Anong oras ba mamaya ang flight mo?" Tanong ko kay Greg habang inaayos ang mga dala namin sa unit niya. Pagkarating kasi namin doon ay kaagad kaming nag-ayos. Greg's unit was really spacious - at halatang walang masyasong gumagamit dito dahil maalikabok na ang mga furnitures niyang nasa loob.

Mamaya kasi ay babalik pa siya sa airport para magtrabaho. Sinahaman lang kasi ako nito para tulungan akong ayusin ang mga gamit namin dito sa unit. Alas-nuwebe pa lang kasi ng umaga dahil maaga ang flight na kinuha ko. 1pm pa ako pupunta sa firm kung saan ako magtetraining.

"2pm pa so it means we can still be together for few more hours. Maihahatid pa kita sa firm," He playfully winked at me. Natawa na lang ako sa ginawa niya as we continued doing our own things.

Alalang-alala ko pa dati 'nung una kaming nagmove-in sa apartment namin doon sa Canada. Hindi kasi matapos-tapos ang ginagawa namin dahil napakamakulit ng lalakeng ito. And it was really a memorable day for us as well.

"Anong dinner ba gusto mo mamaya?" I asked instead. Alam ko kasing uuwi ito mamaya dahil tuwing gabi ay papuntang Pilipinas lagi ang huli niyang flight - sinadya niyang i-ganun ang schedule niya para daw makauwi siya ng gabi-gabi sa akin. He really begged their director just to have that schedule.

"Hmm..." Nag-iisip pa ito habang dala-dala ang isang malaking box, "You."

I laughed when he said it. Napakabastos talaga kahit kailan ng bibig nito, "Gusto mong pakainin kita ng carrots? Isa pa talaga,Tyron Greg, makakatikim ka sa akin." Ayaw talaga kasi nito ng carrots - it is his most hated vegetable.

Natawa naman ito sa sinabi ko, "Fine. Baka yan pa magiging dahilan ng pagkamatay ko. Carrot poisoning." Parehas naman kaming natawa na dalawa. This is also one of the things I love about him, his sense of humor.

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon