Typo errors are a lot.
Soundtrack for this chapter, I'm the one to blame by Arden Cho. (music vid provided above)
Chapter 21
"Tatay!! Tignan mo!" Masigla-masiglang nilapitan ni Sandy si Alex habang inaayos pa nito ang suot nitong suit. Suit and tie kasi ang lagi nitong suot sa OJT nito.
"Ano 'yun, baby?" Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang kinarga kaagad ni Alex ang anak ko. Tinatanaw ko lang kasi silang dalawa habang inaayos ang mga baon nila para mamayang lunch. Gaya rin kasi ni Sandy ay binabaunan ko si Alex ng pagkain sa trabaho nito. Minsan kasi ay nakakaligtaan na nitong maglunch dahil sa dami ng ginagawa nito sa firm.
"A-Ako yung highest sa Math exam, Tatay! Diba sabi mo kapag naghighest ako ay bibigyan mo ko ng gift?" Sandy's eyes were even twinkling while saying those things. Ipinakita rin nito ang testpaper kung saan 20 over 20 ito sa Math. Alex promised her before na bibigyan niya ito ng premyo kapag nakaperfect ito.
Kagabi kasi ay buong gabi itong naghintay sa kanya. Nag-overtime kasi si Alex sa architectural firm kaya matagal itong nakauwi. Nakatulog na rin si Sandy nang umuwi siya kaya hindi nito nabalitaan kagabi tungkol sa perfect score nito.
My daughter was really excited to show him her score.
"Aba, ang talino talaga ng baby ko," Namamanghang puri ni Alex dito at humagikgik naman ang anak ko. I am really glad that my daughter has found a father in a figure of Alex. And I even love him more for accepting the two of us - especially in treating Sandy as his own.
Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huling pag-uusap namin sa Mommy ni Alex na si Ms. Jane Buenavista. After the talk, wala na akong narinig mula sa kanya nor she was contacting me. Ni hindi na rin nito nakakausap si Alex pagkatapos ng insidenteng iyon. Everything became normal again.
Alex didn't really know that Ms. Jane had talked to me in trying to pay me in breaking up with him - that I was only a gold-digger. Mas mabuti ng hindi malaman ni Alex ang tungkol sa pag-uusap namin para hindi lumaki ang gulo.
"Nanay!" Kaagad namang tumakbo papunta sa 'kin si Sandy. Kinarga ko naman kaagad ito, "Sabi po ni Tatay bibigyan niya ako ng gift mamaya," She beamed. Natawa naman ako sa itsura niya, "Tapos Nanay, bili tayo ng maraming pagkain para mamaya din kasi perfect ako. Gusto ko magluluto tayo mamaya ng spaghetti, Nay!"
I giggled at my daughter's request. Talaga kasing napakabibo niya. Laking pasasalamat ko talaga sa Diyos dahil bumubuti na ang kondisyon niya.
"Sige ba, maghahanda tayo mamayang gabi kasi perfect si baby." Pinisil ko ang ilong nito at humagikgik naman ito, "Sige na, icheck mo muna bag mo, baby. Nalagay mo na ba ang project mo sa bag?"
"Ay, hindi pa, Nay. Hihi." Kaagad naman itong bumaba sa akin at pinuntahan kung nasaan ang bag nito.
Ipinagpatuloy ko naman ang paghahanda ko sa mga baon nila. Nakaramdaman naman ako nang may yumakap sa 'kin sa likod.
"Alex?" Sabi ko nang niyakap niya ako mula sa likuran. Nakasubsob din ang mukha nito sa leeg ko.
"I will miss you." He suddenly said. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sira. Magkikita naman tayo mamaya. Kung anu-ano na lang sinasabi mo. Naku, nanlalambing ka lang e." I jokingly replied. Naramdaman ko naman ang pagtawa nito sa leeg ko. He then gave my neck a kiss.
"I don't know... Baka kasi isang araw, iiwan mo 'ko bigla. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung iiwan mo 'ko, Evie. I'll be devastated... so much." Sabi nito sa akin na bakas ang takot sa boses nito. He was still hugging me behind.
BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
أدب المراهقينFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
