Formerly Alexander The Heartbreaker.
(Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Greetings from Alexander Luis.
Typo errors are a lot.
Chapter 6
"Evangeline, huwag malikot. Dito ka lang."
"Pero Mama," Pagmamaktol ko. Nasa laundry area kasi si Mama at naglalaba. Sumama kasi ako sa kanya dito sa bahay nina Ma'am Lana at Sir Chace, "Sabi kasi nina Kuya Etienne na pwede akong makipaglaro sa kanila."
"Hay, sige na nga pero huwag masyadong malikot ha, baka makabasag ka ng mga gamit nila."
"Yehey, salamat Mama!" Kaagad naman akong tumakbo para makipaglaro kina Kuya Etienne sa playground. Talaga kasing malaki ang bahay ng mga Torres. May swimming pool din sila.
Pero bago pa man ako makalabas sa bahay nila ay may nakita akong batang lalake sa may pinto. Kasing-tangkad lang ito ni Kuya Etienne.
Napatingin naman ako sa kaliwang tuhod niya. Dumudugo iyon.
"B-Bata," Tinuro ko yung sugat niya, "Dumudugo tuhod mo."
Dahan-dahan naman itong naglakad pero napangiwi naman ito. Tumingin naman ito sa 'kin.
"H-Help." Kaagad naman itong umupo sa sahig at hinihipan ang sugat nito.
"A-Ah, sige. Kukunin ko muna ang first aid kit nina Ma'am Lana." Sabi ko at kaagad umalis.
Minsan ko kasing naalala na ginagamot ni Ma'am Lana si Ysa nang madapa ito at nagkasugat ang tuhod. Naalala ko kasi na first aid kit ang tawag 'nung ginamit niya.
Binalikan ko naman agad siya nang dala ko na ang first aid kit. Nilapitan ko kaagad siya at ibinigay sa kanya ang kit, "Ito o," Saka umupo ng nakasquat.
Inoobserbahan ko naman siya habang ginagamot ang sarili niya. Maya-maya'y huminga ito ng malalim at tinignan ako ng seryoso. Tapos na kasi siya.
"Anong pangalan mo?" Biglang tanong sa 'kin nito.
"E-Evangeline, ikaw?"
"Alexander," Maya-maya'y ngumiti ito ng pilyo sa akin, "Kita ko ang panty mo, bata. Kulay pink."
Napatingin naman ako sa palda ko. Nakasuot kasi ako ng tshirt na hello kitty at palda. Nakabukaka pa akong nakaupo sa kanya.
Kaagad namang nang-init ang pisngi ko pero imbis na magsalita ay sinapak ko siya ng malakas, "Bastos!" Kumaripas na ako ng takbo pagkatapos.
●●●
"Ito na yung mga damit mo beh o," Sabay abot sa 'kin ni Nikko sa paperbag matapos kong kinanta ang huling kanta ko sa gabi na iyon. Pinuntahan ko kaagad kasi siya sa bar counter para kunin ang damit ko at makapagbihis. Kailangan ko kasing umalis para bilhan ng mga gamot ang anak ko.