Chapter 17

22.1K 563 50
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 17



"Hindi ko na talaga alam, hijo. Halos palala ng palala na talaga siya." Medyo nagising naman ako nang marinig ko ang boses ni Aling Susan na parang may kinakausap.

Napaupo naman ako mula sa sofa at napansing may kumot ng nakatakip sa 'kin.

"Hindi niyo ba sinubukang ipablotter sa barangay?" Boses naman ni Alex ang narinig ko pagkatapos. Napansin ko naman silang dalawa na nag-uusap malapit sa pintuan.

Tumayo naman ako at nilapitan sila. Napansin naman ako ni Alex at kaagad niyakap. Napangiti naman ako ng hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay bumitaw na kami. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko.

Ngumiti naman sa amin si Aling Susan, looking more apologetic, "Vangie, pasensya na talaga kahit naman kami dito ay hindi na alam kung anong gagawin sa amain mo. Minsan natatakot na rin nga kami sa kanya. Nag-aamok kasi tapos ilang beses na rin naming ipinablotter sa barangay pero walang nangyayari. Hindi ko nga alam kung bakit. Sabi naman nila nagtutulak ng droga si Gerry at binabayaran daw niya ang mga taga-barangay para hindi makulong."

Napabuntong-hininga na lang ako. Palala kasi talaga ng palala ang ugali ni Tiyo Gerry. Mas nag-iba ang ugali nito ngayon kesa sa dati. He become worse than before.

Napabuntong-hininga rin naman si Alex at tumingin sa akin. He gave me an assuring smile, "Ako na ang magpapakulong sa kanya sa oras na may gagawin siya ulit kay Evie."

"Basta ang maipapayo ko na lang sa inyo ay mag-ingat kayo sa kanya."

●●●

"Masakit pa ba ang kamay mo?" Tanong ko kay Alex habang minamaneho nito ang kotse niya. Siya kasi ang nagdadrive at katabi naman niya ako. Pupunta kasi kami sa bayan para bumili ng mga snacks at pagkain para sa mga bibisita ng lamay ni Mama.

Bigla naman nitong inabot sa 'kin ang kanang kamay niyang napuruhan kagabi. I immediately held it with my hands. Hinahaplos-haplos ko iyon.

"A kiss would cure it, babe." He suddenly winked at me. Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan, napakapilyo.

I gave the back of his hand a quick kiss. Nilingon naman ako nito at ningitian ko siya, "Tapos na." I smiled at him so widely.

"Hindi ko sinabing sa kamay mo ako ikikiss. Unfair." Parang batang sabi pa nito. Napahagikgik naman ako.

"Nagdadrive ka pa, Asenjo. Mamaya na lang." I replied, still giggling. I then kissed him on his cheek, "Yan na lang muna." Napansin ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mukha niya.

Maya-maya bumuntong-hininga naman ito, "Hindi ka na ba talaga babalik sa university?" Biglang tanong nito sa akin.

Medyo nagulat naman ako sa tanong niya. I just smiled tightly, "Hindi na siguro... Hindi pa rin naman kasi nagigising si Sandy kaya kailangan ko ring magtrabaho. At kung magising man siya... Siguro mag-aapply na lang ako ng mas disenteng trabaho para sa kanya."

Kapag nagising na kasi ang anak ko ay titigil na ako sa pagtatrabaho sa bar ni Desiree. Mag-aapply ako ng mas disente at mas stable. Siguro mag-aapply ako ng secretary sa ibang mga kompanya.

"I can pay your tuition--"

"Alex." I uttered his name seriously. Ayoko namang isipin niya na pineperahan ko siya o kailangan niya akong kaawaan. Kaya ko naman na buhayin si Sandy kahit hindi ako makapagtapos sa pag-aaral.

He breathed hard, "I miss our tutorial sessions. Ikaw lang naman ang dahilan ko kung bakit ako nag-aaral ng mabuti ulit and now..."

"Alex," Hinawakan ko naman ang kamay niya, fitting our fingers with each other, "Magreview ka pa rin kahit wala na ako doon. Gawin mo para sa sarili mo. Okay?"

Evangeline (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon