Typo errors are a lot.
Chapter 4
Parang namang tumayo ang balahibo ko ng maramdaman ko ang paghaplos ni Tiyo Gerry sa balikat ko. Kahit kasi nakatshirt lang ako, manipis iyon kaya ramdam na ramdam ko talaga.
"Ang bango mo talaga kapag bagong ligo, Vangie." Kinakabahan ako sa tono ng boses ng bagong kinakasama ni Mama. Magtatatlong taon na silang nagsasama pero talagang sa tuwing naiiwan kaming dalawa ng mag-isa sa bahay, kinakabahan ako. Iba kasi ang tinging ibinibigay niya sa 'kin. Minsan pa, hinahaplos niya ako sa balikat ko o kaya sa batok ko bigla.
Napatili naman ako ng biglang pisilin ni Tiyo ang pwet ko at napatigil sa panghuhugas ko ng pinggan sa lababo. Hindi naman gaano kaiksi ang suot kong shorts. Hanggang tuhod ito. "T-Tiyo! A-Anong ginagawa mo?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Wala kasi rito si Mama, nasa ibang kapitbahay namin at naglalabada. Malapit na kasi kaming singilin sa bill namin sa tubig. Yung kuryente pa lang kasi ang nababayaran namin. Wala na kasi akong pasok dahil katatapos lang ng high school graduation ko last week.
Naramdaman ko namang pumasok sa loob ng tshirt ko ang kamay ni Tiyo at napasinghap ako ng bigla niyang pinisil din ang kanang dibdib ko.
Kaagad kong kinuha ang kamay niya at inilayo ito sa 'kin. Mabilis kong hinarap siya, "Tiyo, hindi tama yang--"
Laking gulat ko nang bigla niya akong sinampal sa mukha kaya naman napasubsob ako sa sahig. Napahikbi na lang ako. Masakit kasi yung pagkakasubsob ko sa sahig.
"Putangina kang bata ka! Tatlong taon na akong tigang na tigang sayo! Ngayon, huwag na huwag kang papalag dahil bubugbugin talaga kita!"
●●●
Kaagad naman akong napaayos ng upo at pati na rin si Alexander. Mananalo na sana ako sa wrestling ng mokong na 'to e nang bigla na lang dumating si Ysa.
"What the hell, Xander? Talaga siya? Of all the women, papatulan mo siya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ysabelle sa kanya habang dinuro-duro pa ako. Nakablack velvet dress pa ito at black heels.
Bored na bored na tumayo si Alexander. Sa pagkakaalam ko, close si Alexander sa pamilya ni Ysa. Best friend pa nga nito ang kapatid nitong si Kuya Ettiene. Pero hindi ko naman maalala na minsang bumisita ito sa bahay nila kahit pa 'nung naninilbihan pa kami ni Mama bilang katulong ng mga Torres. Elementary pa ako noon.
Nilapitan ito Alexander na nakakrus pa ang mga braso sa gitna ng dibdib nito, "What are you doing here, Belle? You know this is my private place. You're invading my privacy."
"Privacy? Oh my god, Xander! Privacy with that slut? Baka nga magka-STD ka pa o HIV dahil sa dami ng lalake ng babaeng iyan!" React nito na parang diring-diri talaga sa akin. Napailing na lang ako. Sanay na sanay na ako sa mga sinasabi niya e. Sino pa bang nagpakalat sa buong campus namin na slut ako? Isang puta? Babaeng mababa ang lipad.
Minsan gusto ko ng sapakin o sampalin itong babaeng 'to pero hindi ko na pinapatulan. Ayoko ko kasing mabulilyaso ang paggraduate ko next sem. Alam kong mayamang-mayaman sina Ysa at marami siyang magagawa para lalo lang ako siraan.
I saw Alexander rolled his eyes. Pansin kong ayaw nitong makita rin si Ysa. Pero akala ko ba magkaibigan sila? "I know what I'm doing, Ysabelle. And I don't really care about it. Stop obsessing with me. I told you already, I don't want you, Belle." Medyo harsh naman nitong sabi. Pansin ko namang napahiya si Ysa. Kahit kailan talaga, ang gago ng lalakeng 'to. Ni walang manners. Babae pa rin naman si Ysabelle.
Napansin naman niya ang malalim na buntong-hininga ni Ysabelle at nang mahagip niya ako ng tingin, inirapan niya ako.
"I-I know, Xander. I'm just here to let you know about the party. Pinapaimbita ka kasi ni Kuya Eith. A party with our close friends as usual, in Grey's Private Club. You can also bring someone if you want or a date. Alam ko kasing may kanya-kanyang date din ang mga tao doon."

BINABASA MO ANG
Evangeline (Finished)
Teen FictionFormerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the university's rules and for failing his classes again, Evangeline Young - the university 'slut' was as...